Sinuman ang nalalaman ang tungkol sa propetikong mensahe ay matatagpuang ito ay nagpapanatili ng dangal ng tao at itinaas ang kanyang antas bilang tao, Muslim man o hindi, ay mga anak ni Adan. Si Allah ang Makapangyarihan sa lahat ay pinarangalan ang buong sangkatauhan sa pagsasabi ng:
“Binigyang dangal Namin ang mga anak ni Adan at dinala sila sa kalupaan at karagatan; pinagkalooban namin sila ng mabubuting bagay at kinatigan Namin silang higit sa iba pang maraming mga nilikha Namin.” [Maluwalhating Qur’an 17:70]
Dahil dito, lahat ng mga tao ay may mga karapatan bilang tao sa harapan ni Allah ang Makapangyarihan sa lahat. Gayunman, sila sa harapan ni Allah, ay itinatangi sa pamamagitan ng kanilang takot sa kanilang Panginoon, pagkakaroon ng pananampalataya, at pagsasabuhay ng mabubuting mga gawi.
Karagdagan pa, si Muhammad [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya] ay hindi nagbabago sa pagpapakita nito ng maliwanag sa kanyang mga pag-uugali at pakikitungo sa mga di-Muslim.
Sa isang mapapanaligang tradisyon, si Propeta Muhammad ﷺ ay inulat na nagwika:
“Saan ka man makakita ng prusisyon ng libing, tumayo hanggang sa ang prusisyon ay makalagpas sa iyo.”
Isang araw isang prusisyon ng libing ang dumaan sa harapan niya at siya ay tumayo. Nang sinabi sa kanya na ang namatay ay isang Hudyo, siya ay nagwika:
“Hindi ba ito isang buhay [kaluluwa]?”
Gayundin, si Propeta Muhammad ﷺ ay dinadalaw sa tuwina ang mga di-Muslim na maysakit. Dahil ang Propeta ﷺ ay dinalaw si Abu Talib sa kanyang karamdaman, at ganundin dinalaw niya ang isang batang Hudyo na maysakit. [Bukhari]
Ipinatutupad niya ﷺ ang mga karapatan ng tao sa pamamaraang mabuting pakikipagkapitbahay, kagaya ng kanyang winika:
“Ang pinakamainam na mga kasamahan kay Allah ay ang siyang pinakamainam sa kanyang kasamahan, at ang pinakamainam sa mga kapitbahay sa Kanya ay ang siyang pinakamainam sa kanyang kapitbahay.” [At-Tirmidhi]
Ang tradisyon ay ibinilang ang bawat kapitbahay, kahit pa siya ay isang di-Muslim.
Si Propeta Muhammad ﷺ ay hindi dumating para pagkaitan yaong mga hindi sumunod sa kanya ng kalayaan. Datapwa’t, siya ﷺ ay pinakitunguhan sila ng isang pambihirang anyo ng pagpaparaya. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga pinakamahalagang prinsipyo ni Propeta Muhammad ﷺ na pakikitungo sa mga di-Muslim:
Walang sapilitan sa Relihiyon:
Bagama’t si Propeta Muhammad ﷺ at ang kanyang mga kasamahan ay naniwala na tamang tanggapin ang Islam – dahil ito ang sagka ng mga naunang mga mensahe – hindi nila tinangka kailanman na pilitin ang sinuman para tanggapin ang Islam.
Ang Maluwalhating Qur’an ay binigyang-diin ang kahulugang ito ng malinaw sa pagsasabi ng:
“Walang pilitan sa relihiyon. Tunay na luminaw na ang wasto sa kamalian.” [Maluwalhating Qur’an 2:256]
Samakatuwid, walang isaman ang pinilit na tanggapin ang Islam. Ito ay ganito, kahit pa ang isang gumagamit ng pamimilit ay isang ama na nais ang kabutihan para sa kanyang mga anak, at kahit pa ang isang pinipilit ay isang batang anak na walang alinlangan sa awa ng kanyang ama para sa kanya. Kahit mismo ang Sugo ni Allah ﷺ ay hindi pinilit ang tao para tanggapin ang relihiyong ito.
At si Allah ang Makapangyarihan sa lahat ay nagsasabi:
“Kung sana niloob ng Panginoon mo, talagang sumampalataya ang sinumang nasa lupa, lahat sila na sama-sama. Kaya’t ikaw ba ay mamimilit sa mga tao upang sila ay maging mga mananampalataya?” [Maluwalhating Qur’an 10:99]
Ang Islam ay hindi lang binigyan ang mga di-Muslim ng kalayaang panatilihin ang kanilang relihiyon, bagkus pinayagan din silang isagawa ang kanilang mga seremonya at panatilihin ang kanilang mga pook sambahan.
Ang Propeta ﷺ ay pinigilan ang kanyang mga kasamahan na ligaligin ang mga Kristiyanong pari sa kanilang mga kombento, at kailanman ay hindi niya sinalakay ang pook sambahan ng di-Muslim. Ang kanyang mga kasamahan, at mga kalipa pagkatapos niya, ay naunawaang mabuti ang kahulugan nito; kaya, sila ay nagmungkahi sa kanilang mga pinuno ng sandatahan na huwag sakupin o sirain ang kanilang mga pook sambahan.
Gayundin, ang Islam ay binigyan sila ng kalayaang sundin ang kanilang batas sa pag-aasawa, diborsyo, at mga katulad nito.
Ang mga kahalagahan ng Katarungan para sa iba:
Si Propeta Muhammad ﷺ ay nag-utos sa amin na makitungo ng patas sa lahat ng tao kahit pa mga Muslim o di-Muslim.
Ito ay binanggit sa Maluwalhating Qur’an,
“Tunay na si Allah ay nag-uutos sa inyo na gampanan ninyo ang mga ipinagkatiwalang tungkulin sa mga kinauukulan ng mga ito, at kapag humatol kayo sa mga tao ay humatol kayo ayon sa katarungan.” [Maluwalhating Qur’an 4:58]
Si Propeta Muhammad ﷺ ay nakatanggap ng kapahayagan at ipinatupad ito sa pinakadakilang paraan, dahil siya ay inutusan maging makatarungan sa lahat ng mga tao nang walang pagkiling sa kanilang mga katayuan, lipi, relihiyon o angkan. Silang lahat ay pantay, kahit pa ang isang tao na may tiyak na karapatan ay hindi patas sa mga Muslim; siya ay pagkakalooban pa rin ng kanyang karapatan.
Ang Maluwalhating Qur’an a nag-utos sa Sugo ﷺ na mamuno ng patas kapag ang Ahlul Kitab [hal. Mga Hudyo at mga Kristiyano] ay pinili siya na mamagitan sa kanila.
“At kung hahatol ka ay humatol ka sa pagitan nila ayon sa katarungan” [Maluwalhating Qur’an 5:42]
Sa mahigit na tatlumpung tradisyon, si Propeta Muhammad ﷺ ay binigyang-diin ang karapatan ng al-Mu’ahad [ang isang may kasunduan sa mga Muslim], kabilang dito ang sumusunod:
“Sinuman ang pumatay sa isang tao na may kasunduan sa mga Muslim, ay hindi maaamoy ang halimuyak ng Paraiso kahit pa ang halimuyak nito ay naaamoy sa mula sa agwat na apatnapung taon [na paglalakbay].” [Bukhari]
Siya ﷺ ay nagwika rin,
“Mag-ingat, kung sinuman ang dayain ang isang nakipagkasundong tao, o tanggalin ang kanyang karapatan, o pilitin siyang magtrabaho ng lagpas sa kanyang kakayahan, o kunin mula sa kanya ang anuman nang walang pahintulot, ako ay mangangatuwiran para sa kanya [biktima] sa Araw ng Paghuhukom.” [Abu Dawud]
Siya ﷺ rin ay nagwika,
“Kung sinuman ang pumatay sa isang tao na kanyang pinangakuan ng pangangalaga sa panahong sakwal pa ng pangako, si Allah ay ipagbabawal sa kanya ang Paraiso.” [Ahmad & Abu Dawud]
Si Muhammad ﷺ ay ipinagbawal na pahirapan ang sinuman, kahit pa sa kanya na hindi pa tinanggap ang Islam.
Samakatuwid, siya ﷺ ay nagbawal na pahirapan sinumang tao kahit Muslim o di-Muslim. Siya ﷺ ay nagwika,
“Si Allah ang Makapangyarihan sa lahat ay pahihirapan silang nagpahirap sa tao sa buhay na ito” [Muslim]
Si Muhammad ﷺ ay pinanatili at tiniyak din ang seguridad ng buhay ng mga di-Muslim, kayamanan at karangalan sa Islamikong pamayanan. Kung kaya, walang isaman ang pinahintulutan na saktan sila maging Muslim man o hindi, hangga’t sila ay naninirahan sa mga Islamikong nasasakupan.
Mabuting pakikitungo para sa mga Di-Muslim:
Ang mga aral ni Muhammad ﷺ ay nag-iwan ng mahalagang prinsipyo, hal. Ang isang Muslim ay pinakikitunguhan ang lahat ng tao ng maayos, kagaya ng kanyang ﷺ winika:
“Ipinadala lang ako para ganapin ang pinakamabuting mga katangian” [Ahmad]
At sa iba pang salaysay ay matatagpuan natin “para pagbutihin ang mga pag-uugali”. Ang mga kaugaliang marangal ay pantay sa bawat isa; ang Muslim at di-Muslim. Magkasamang pamumuhay, pagkakaunawaan, at pagtutulungan ng mga bansa at mga tao ay labis na kailangan ng sangkatauhan.
Kaya si Muhammad ﷺ ay nag-utos ng awa sa kanyang mensahe, at isinama ang bawat aspeto nito gayundin ang lahat ng anyo ng mabuting pakikitungo. Ang Maluwalhating Qur’an ay nagsasabing:
“Hindi kayo pinagbabawalan ni Allah, sa mga hindi kumalaban sa inyo dahil sa relihiyon at hindi nagtataboy sa inyo mula sa mga tahanan ninyo, na makipagmabutihan sa kanila at makitungo nang makatarungan sa kanila. Tunay na si Allah ay nagmamahal sa mga makatarungang.” [Maluwalhating Qur’an 60:8]
Ang mga pantas ng Islam ay ipinaliwanag ang kabutihan sa talatang ito sa pagsasabing: ‘Ito ay awa sa mga mahihina sa kanila, pagbibigay sa mahihirap, pagpapakain sa mga nagugutom, pagdadamit sa mahihirap, at pakikipag-usap ng mabuti sa kanila. Ito ay nararapat na gawin sa maawain at mahinahong paraan at hindi sa nakakatakot at mapang-aping paraan, magparaya sa mga masamang kapitbahay – sa kakayahan na tanggalin ito ng maayos ngunit hindi nakakatakot o sakim. Karagdagan pa, nararapat na hingin natin kay Allah na gabayan sila at pagkalooban sila ng kaligayahan. Gayundin, nararapat nating alukin sila ng payo sa lahat ng aspeto na kanilang buhay at panrelihiyong usapin at bantayan sila kung may sinuman ang nais na saktan sila.” [Al-Fawariq ni Al-Qarafi]
Ang mabuting pakikitungo na ito ay pinatunayan sa kaso ng relasyong pamilya, at ito ay naging tungkulin sa kaso ng relasyong pangmagulang. Kung kaya, si Asma ang anak na babae ni Abu Bakr ay binanggit ang mga sumusunod at nagsabing,
“Ang aking ina ay dumating para dalawin ako sa panahon ng Sugo ﷺ ni Allah at siya ay hindi mananampalataya. Kaya sinangguni ko ang Sugo ﷺ ni Allah at tinanong siya, ‘Ang aking ina ay nais akong dalawin at umaasa na pakitunguhan ko siya ang mabuti; nararapat ba na panghawakan ko ang ugnayan ng pamilya sa aking ina?’ Siya ay nagwika, ‘Oo, isagawa mo ang ugnayan ng pamilya sa iyong ina.”
Gayundin, nang ang deligasyon ng Najran, na mga Kristiyano, ay dumating kay Muhammad ﷺ sa Madina, sila ay pumasok sa kinahapunan sa kanyang masjid, at ito ang oras ng kanilang pagdarasal. Kung kaya, sila ay nagsimulang magdasal sa masjid at ang mga Muslim ay nais na sila ay pigilan ngunit si Muhammad ﷺ ay nagwika:
‘Hayaan silang magdasal’. Kung kaya, sila ay humarap sa silangan at nagdasal.
Gayundin, ang ina ng mga mananampalataya na si Aisha [kalugdan siya ni Allah] ay nagwika: “Ang Sugo ﷺ ni Allah ay namayapa at ang kanyang kalasag ay naipangako sa isang Hudyo kapalit ng tatlumpung takal ng sebada, at ito ay para sa panustos ng kanyang mga anak.”
Kung kaya, si Muhammad ﷺ ay nag-utos sa mga Muslim na pangalagaan ang Ahlul Dhimma [mga Hudyo at mga Kristiyano] na namumuhay kasama nila.
Kaya kung sinumang di-Muslim ang nangangailangan, nararapat na sila ay magkaloob sa kanya, dahil ang estado ay may tungkulin para sa mahihirap; kabilang ang mga Muslim at Ahlul Dhimma.
Ang estado ay tungkulin ang magkaloob ng angkop na katayuan ng pamumuhay para sa kanila at sa lahat ng nasa pangangalaga nila, dahil sila ay mamamayan ng Islamikong pamahalaan.
Si Muhammad ﷺ ay nagwika,
‘Kayong lahat ay tagapangalaga, ang bawat isa sa inyo ay may pananagutan sa mga nasa pangangalaga ninyo’.
Noong ang pangalawang kalipa na si Umar ay naroon sa Al-Sham at nadaanan niya ang isang kalipunan ng mga Kristiyano na dumaranas ng sakit na ketong, siya ay nag-utos na sila ay bigyan ng kawanggawa at pagkain.
Ang kalayaang magtrabaho at kumita:
Si Muhammad ﷺ ay gumawa ng kasunduan na ang mga di-Muslim ay maaaring magtrabaho at kumita sa mga bansang Muslim; sa pamamagitan ng pagtatrabaho para sa iba o sa kanilang mga sarili, karagdagan pa na magkaroon ng anumang karera na pinili nila at gawaing pangekonomiya.
Ang kanilang katayuan ay kapantay ng sa mga Muslim, at sila ay may karapatang mamili at magbenta at makipagkasundo sa pamayanan. Maaari din silang makipagkasundong pinansyal, subalit kailangan nilang umiwas sa patubuan.
Sila ay may karapatang makipagkasundo ng anuman maliban sa patubuan at pamimili at pagbebenta ng alak, baboy, at anumang makakasama sa lipunan at anumang ipinagbawal ng Islam.
Ipinagbawal ng Islam ang mga bagay na ito dahil sa pinsala na idudulot sa kanila o sa kanilang pamayanan. Sila rin ay natatamasa ang iba pang mga kalayaan kagaya ng pagmamay-ari ng mga kalakal at pagawaan at iba pang mga bagay.