Maraming grupong pangrelihiyon, kagaya ng mga Hudyo, mga Kristiyano, mga Budista, at mga Hindu, ang nagsasagawa ng pag-iwas – o pag-aayuno – sa isang anyo o iba pa. Ang mga Muslim ay mayroon ding pag-aayuno [tinatawag na Sawm sa Arabe], na nagaganap tuwing buwan ng Ramadan bawat taon. Sa panahong ito, ang mga Muslim ay tungkuling umiwas mula sa pagkain, inumin at pakikipagtalik mula sa bukang liwayway [ito ay bago sumikat ang araw] hanggang paglubog ng araw. Gayunpaman, ang ilang mga Muslim – kagaya ng matatanda, maysakit at babaeng nagdadalang-tao o may buwanang dalaw – ay malaya mula sa pag-aayuno alinsunod sa ipinagkaloob ng Diyos na pribilehiyo sa mga mahihirapan na isagawa ito.
Kailan ang Ramadan?
Hindi gaya ng kalendaryong Gregoryan – na nakabatay sa taong solar – ang Islamikong kalendaryo ay gumagalaw sa taong lunar. Ang pagtanaw sa bagong buwan ang palatandaan ng pagsisimula at katapusan ng bawat buwan. Ang pananaw ng mga Muslim ay itinuturing ang pagtanaw ng buwan bilang napaka-kritikal sa panahong ito ng taon. Gayunpaman, ito ay hindi dapat ikalito ninuman na mag-isip na ang mga Muslim ay sinasamba ang buwan, o isang diyos na buwan.
Ramadan, ika-siyam na buwan ng Islamikong kalendaryo, ay nagbabago sa bawat taon – na karaniwang umuusad ng 10 araw na maaga sa bawat taon ng Gregoryan. Ang panahon ay nagtatapos sa pagdiriwang ng Eidull-Fitr. Gayunpaman, ang mga petsa ay maaaring magkaiba ng bahagya sa ibat-ibang bahagi ng mundo batay sa lokal na pagtanaw ng buwan. Ito ay mula sa karunungan ng Diyos at awa dahil ang bawat isa sa kalaunan makararanas ng pag-aayuno sa ibat-ibang panahon batay sa kanilang kinaroroonan.
Bakit Nag-aayuno Ang Mga Muslim?
O kayong mga sumasampalataya, isinatungkulin sa inyo ang pag-aayuno gaya ng pagsasatungkulin nito sa mga nauna sa inyo – nang harinawa kayo ay mangilag magkasala. [Maluwalhating Qur’an 2:183]
Gaya ng ibang gawang pagsamba sa Islam, ang mga Muslim ay nag-aayuno dahil ang Diyos ay inutusan sila na gawin ito. Bago ang talata ng Qur’an na ito ay ipinahayag, ang mga Muslim ay nag-aayuno na sa ilang tukoy na mga araw, ngunit walang takdang panahon na ginawang tungkulin.
Ang layunin ng pag-aayuno ay para sa mga Muslim na maabot ang pagiging matuwid o pangingilag sa Diyos [kilala sa Arabe bilang Taqwa]. Ang ganitong katangian ay pinagbubuti sa panahon ng pag-aayuno dahil ang mga Muslim ay sinasadyang tanggihan ang kanilang mga makamundong pagnanais [pagkain, inumin at sekswal na pagkikipagtalik] para pataasin ang kanilang mga kaibuturan [kaluluwa] sa isang higit na maka-Diyos na katayuan.
Para maunawaan kung paano ito nangyayari, isipin ang bawat tao bilang isang timbangang may dalawang panig: sa isang panig ay ang katawan, at sa kabilang panig ay ang kaluluwa. Para mapalusog ang katawan, tayo ay tinitimbang ang diyeta sa pagkain at inumin. Para mapalusog ang kaluluwa, ginagawa natin ang mga gawaing espiritwal kagaya ng pagdarasal, pagmumuni-muni sa sarili at paggunita sa Diyos. Sa kasamaang-palad, marami sa atin ay labis na nahuhumaling sa pisikal kaya nagtatapos tayo sa pagkakaroon ng hindi malusog na mga pangangatawan. Upang lalo pang lumala ang mga bagay, tayo ay nahahatak pababa kapag napabayaan natin ang ating espiritwal na mga panig.
Siyempre, ang pagpapakagutom at pagpapakauhaw ay nagpapalambot rin ng puso at tumutulong na madagdagan ang pagkaunawa sa mahihirap. Habang ang nag-aayunong tao ay pinili na umiwas mula sa pagkain at inumin, ang mahihirap ay nagugutom bawat araw dahil sila ay nahihirapang makakuha ng pangunahing panustos na ang karamihan ay binabalewala.
Ito Ba ay Tungkol Lamang sa Pag-aayuno?
Habang ang pangunahing pinagtutuunan ng Ramadan ay ang pag-iwas mula sa pagkain, inumin, at pagniniig, ang mga Muslim ay sinisikap rin na pagyamanin ang higit na mabuting pagkatao sa panahon ng buwang ito. Sila ay nagsisikap na subukang lumayo mula sa makasalanang mga gawain, kagaya ng panlilibak at tsismis, at panonood at pakikinig sa mga nakapipinsalang bagay sa espiritwal.
Si Propeta Muhammad [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya] ay nagpayo sa mga Muslim:
“Ang pag-aayuno ay kalasag. Kaya kung ito ay araw na ang isa sa inyo ay nag-aayuno, magkagayun siya ay nararapat na hindi mahalay magsalita o gumagawa ng kasalanan o siya maging mangmang. At kung may isang mang-away sa kanya, magkagayun nararapat niyang sabihin: ‘Ako ay isang tao na nag-aayuno’” [Bukhari at Muslim]
Maraming Muslim ang pinipili rin na bayaran ang kanilang tungkulin na taunang kawanggawa [tinatawag na Zakat] sa panahon ng Ramadan, dahil ang mabubuting gawa ay umaani ng karagdagang gantimpala sa buwan na ito. Kasama ng pera, ang mga Muslim ay nakikilahok rin sa gawaing pangkomunidad para tulungang maiangat yaong mga nangangailangan, at ibahagi ang kanilang hapunang pagkain [Iftar] sa mahihirap.
Habang ang mabubuting gawa na ito ay umaani ng mga karagdagang gantimpala sa panahon ng Ramadan, ang mga Muslim ay nararapat na hindi ito bigyan ng hangganan para lang sa buwang ito, at nararapat na naising gamitin ang kasiglahan ng Ramadan para gawin ang ganitong mga dakilang gawain na patuloy na gawi na kanilang isasagawa sa buong taon.
Ramadan at Kapahayagan
“Ang buwan ng Ramadan [ay ang buwan] na ibinaba dito ang Qur’an bilang gabay para mga tao at malinaw na katibayan mula sa patnubay at batayan.” [Maluwalhating Qur’an 2:185]
Ang Ramadan ay higit na mahalaga dahil ito ay buwan nang ang Diyos ay ipinadala ang Banal na Aklat ng Islam, ang Qur’an, kay Propeta Muhammad ﷺ. Ang buong aklat ay ipinadala mula sa piling ng Diyos sa panahon ng buwang ito, ngunit hindi ito ibinigay ng biglaan sa isang pagkakataon. Sa halip, ito ay ipinahayag na may mga pagitan sa loob ng 23 taon. Kaya naman, ang mga Muslim ay nagbibigay ng partikular na parangal sa Qur’an sa buwan na ito, binabasa ito sa maghapon at gayundin sa mga nalalabing oras na gabi ng pagdarasal [Tarawih]
Isang Bukod-Tanging Gabi sa Ramadan
“Tunay na, ibinaba namin ang QUR’AN sa Gabi ng Pagtatakda. At ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Gabi ng Pagtatakda? Ang Gabi ng Pagtatakda ay higit na mabuti kaysa sa isang libong buwan. Nagsisibabaan ang mga Anghel at ang Espiritu sa oras na ito, ayon sa kapahintulutan ng Panginoon nila alang-alang sa bawat utos. Kapayapaan, ito ay hanggang sa pagsapit ng madaling-araw.” [Maluwalhating Qur’an 97:1-5]
Ang Gabi ng Pagtatakda [tinatawag na Laylatul Qadr] ay ang pinakarurok ng Ramadan. Bilang anibersaryo ng gabing ang Qur’an ay ibinaba, ito ay nagtataglay ng kahalagahang napakalaki. Ang mga biyaya ay kagaya ng ang mga nagawang mabubuting gawa sa gabing ito ay maraming ulit na pinararami. Ang gabi ay higit na dakila ang halaga kaysa 1000 buwan.
Handa ka na Bang Maranasan ang Isang Bahagi ng Ramadan?
Kung hindi ka Muslim, bakit hindi hamunin ang sarili na subukang mag-ayuno ng ilang araw sa panahon ng Ramadan sa taong ito? Higit na mainam, ipunin ang ilan sa iyong mga kaibigan at tingnan kung sino sa inyo ang makapag-aayuno ng higit na maraming araw sa buwang ito. Kapag natapos ninyo, ibahagi sa amin ang inyong paglilimi – ipaalam sa amin kung paano ito nakabuti sa inyo, at ano ang natutunan mula sa pagsasagawa.
Paano mo ito gagawin?
1. Ilagay ang inyong orasang may alarma ng mga 30 minutong mas maaga upang ikaw ay magkaroon ng sapat na panahon na makapaghanda at makakain bago ang ‘madaling araw’ (o oras ng Fajr). Kumuha ng kalendaryo ng Ramadan mula sa inyong lokal na Moske o sa online, at hanapin ang oras na ang Fajr ay magsisimula. Kumain ng sapat na agahan bago ang madaling araw, at magsipilyo ng ngipin.
2. Magkaroon ng layuning mag-ayuno para sa araw na yaon. Ang pangunahing aspeto ay may layunin kang umiwas mula sa pagkain, inumin [maging tubig], paninigarilyo at pakikipagtalik mula sa madaling araw hanggang paglubog ng araw. Magkaroon ka rin ng layunin na umiwas sa tsismis at iba pang gawaing ikasasama ng loob ng iba.
3. Kung masyado pang maaga, maging malaya na umidlip bago tuluyang bumangon para simulan ang iyong maghapon.
4. Sa mga oras ng maghapon, gawin ang makakaya na umiwas mula sa mga bagay na nilayon mong iwasan.
5. Sa paglubog ng araw [o oras ng Maghrib sa kalendaryong Ramadan], itigil ang iyong pag-aayuno sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom.
6. Mainam na itigil ang pag-aayuno sa pagkain ng matamis kagaya ng ilang bunga ng datiles o kahit tubig lang.
7. Magbigay ng oras na magmuni-muni kung ano ang naramdaman habang nag-aayuno at kung ano ang natutunan mula sa karanasan.
8. Ulitin ang 1 hanggang 7 hakbang para sa anumang araw na naisin mo pang mag-ayuno.
Pagpalain ka sa iyong hamon sa Ramadan!