Para Saan Ba Ang Eid? Nagkakasiyahan Nga Ba Talaga Ang Mga Muslim?
Tigil – Ayuno = Tigil ayuno!
Ang Eid Al-Fitr ay tanda ng pagtatapos ng Ramadan – kapag ang mga Muslim sa buong mundo ay itinigil na ang kanilang isang buwang pag-aayuno.
Ang pagdiriwang ay nagtataglay ng isang katangi-tanging kahulugan at diwa sa Islam.
Ito ang panahon para magdagdag ang mabubuting gawa, at ang sigasig para magpatuloy sa pagsunod at pagsuko sa isang Diyos, si Allah.
Nasaan Ang Buwan?
Hindi gaya ng Pasko, ang Eid ay hindi pumapatak sa isang petsa ng kalendaryong Gregoryan. Ang petsa ng Eid ay nagbabago ayon sa Islamikong kalendaryong lunar.
Ito ay isang Kapistahan!
Sa mga bansang Muslim, ang Eid ay isang opisyal na pampublikong kapistahan na tumatagal sa halos tatlong araw.
Maraming paaralang pandistrito sa USA ay ganap ng kinilala kumakailan ang kapistahang Muslim na Eid at binibigyan ang mga mag-aaral ng bakasyon sa araw na yaon.
Kuskusin, Hilurin at Palitan
Ang mga Muslim ay sinisimulan ang araw ng pagdiriwang sa pagligo, pagsuot ng pinakamagarang damit at pagkain ng ilang pirasong datiles bago pumunta sa masjid para simulan ang araw sa pagdarasal.
Natatanging Pagdarasal
Ang natatanging pagdarasal sa Eid ay nagdadala sa mga Muslim na sama-samang gunitain ang mga biyaya ng Diyos at ipagdiwang ang Kanyang kaluwalhatian at kadakilaan.
Nagsisimula ang pagdarasal pagkatapos lamang ng bukang liwayway; kalalakihan, kababaihan, at mga kabataan ay lahat hinihikayat na dumalo sa isang oras sa sermon.
Ang Araw na Walang Mahirap!
Isang natatanging handog na kilala bilang Zakat Al-Fitr ay ibinibigay sa mahihirap. Ito ay naglalaman ng pagkain, kagaya ng bigas, datiles, mga pasas o harina para pakainin ang mahihirap na Muslim upang magkaroon sila ng sapat na panustos sa araw ng Eid.
Pagdaan sa Ibang Daanan
Iminumungkahi nito na pumunta sa masjid sa isang daanan at bumalik mula sa ibang daanan, para ikalat ang kasiyahan at gawing lantad ang pagdiriwang sa buong bayan.
Kapistahan ng Pamilya
Sarap! Ang pamilya at mga kaibigan ay nagtitipon para sa isang salo-salo, dadalo sa prosisyon at pagdiriwang at palipasin ang oras ng sama-sama.
Palitan ng Regalo
Isang tradisyon na mamahagi ng mga regalo sa mga bata at kapamilya bilang tanda ng pasimula ang pagdiriwang ng Eid, anong saya!
Gunitain si Allah
Panghuli ngunit hindi pinakaaba, ito ang panahon para gunitain si Allah at magpasalamat sa Kanya para sa lahat ng Kanyang mga biyaya at humingi ng kapatawaran.