Samakatuwid ay nagustuhan mo ang iyong natutunan tungkol sa Islam? Napagtanto mo na walang dapat sambahin kundi si Allah at Siya lamang ang nararapat na sambahin ng walang katambal. Nauunawaan mo na si Allah ay hindi tayo iiwan sa karimlan maliban ipapakita sa atin kung paano mabuhay. Dapat mong malaman na ang artikulong ito ay natatanging isinulat para sa iyo. Hindi mo nasumpungan ang artikulong ito na nagkataon lamang; sa katunayan ikaw ay ginabayan ng iyong Tagapaglikha, si Allah.
Malamang nagdarasal ka para sa patnubay at kung kaya si Allah ay tinugon ang iyong panalangin at inshAllah [sa pahintulot ni Allah] ikaw ay handa nang maging isang Muslim. Kaya paano ba ito talaga ginagawa? Sa katunayan, napakadali lamang. Walang binyagan, walang kakatwang mga ritwal, o magagarbong seremonya.
Para maging Muslim, ang kailangan mo lang gawin ay ipahayag ang iyong pananampalataya sa Islam. Yun na! Madali diba? Ang pagpapahayag ng pananampalataya na ito ay tinatawag na Shahadah [Pagpapahayag ng pananampalataya] at ito ang unang haligi ng Islam. Ang lahat ng mga paniniwala sa Islam ay nakapaloob sa dalawang pangungusap na ito na bumubuo ng iyong Shahadah.
ASH-HADU AN LA ILAHA ILLAL-LAH, WA ASH-HADU ANNA MUHAMMADAN ABDUHU WA RASULUH.
Ang mga katagang Arabe na ito ay nangangahulugang, “Ako ay sumasaksi na walang karapatdapat sambahin maliban kay Allah, at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Kanyang Lingkod at Sugo.”
Kapag binigkas mo ang “La ilaha illa-Allah”, ay sinasabi mo ng literal na walang Diyos kundi si Allah. Ang katagang Diyos sa Arabe ay “ilah”, nangangahulugang ang karapat-dapat sambahin, kaya sa pinakapunto ang iyong sinasabi ay walang karapat-dapat sambahin maliban sa Kanya na Siya nararapat lamang ang pagsamba, si Allah, ang Diyos, ang Tagapaglikha ng mga kalangitan at kalupaan.
Kapag binigkas mong “Muhammadan Abduhu Wa Rasuluh”, nakamit mo ang dalawang bagay, na si Muhammad [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya] ay ang alipin, ang mananamba at sugo ni Allah.
Bakit ito mahalaga? Sa nakaraan, ang ilan sa mga propeta ni Allah ay nagkamaling inidolo, sinamba kasama o ipinalit kay Allah. Kung kaya ang mga pangungusap na ito ay pinatitibay na ang pagsamba ay para lamang kay Allah. Pangalawa, sa pamamagitan ng pagpapahayag na si Muhammad ﷺ ay Sugo ni Allah, ay tinatanggap mo rin ang mensahe na kanyang dala, ang Qur’an, at lahat ng mga bagay na kanyang itinuro at mga halimbawa na kanyang ginawa para sa atin. Ang pagyakap sa Islam ay nangangahulugan rin na tinatanggap mo ang mga saligan ng pananampalataya, ang mga bagay na bawat Muslim ay tungkulin na paniwalaan:
- Allah: Ang Diyos na walang katambal na sa Kanya ang lahat ng pagsamba ay nauukol.
- Mga Anghel: Nilikha ng Diyos – na lagi ng sumusuko sa Kanya.
- Mga Kapahayagan: Mga panuntunan na ipinahayag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat sa mga Sugo para tulungan ang mga taong mamuhay sa mataas na buhay espiritwal.
- Mga Sugo: Mula kay Adan hanggang kay Noe at Moises at kay Hesus hanggang sa huling sugong si Muhammad [sumakanilang lahat ang kapayapaan]. Silang lahat ay dumating na may parehong mensahe na “Sambahin si Allah lamang”.
- Araw ng Paghuhukom: Ang huling araw na ang mga tao ay mananagot para sa kanilang mga gawa.
- Kapalaran: Pagtanggap na ang Diyos ay nababatid kung ano ang nangyari sa nakaraan. Nababatid Niya ang hinaharap at Siya ang nagtatakda sa lahat ng bagay sa buhay.
Tinatanggap mo rin ang limang haligi ng Islam, ang mga ginagawa ng isang Muslim, ito ang:
- Shahadah: Pagpapahayag ng pananampalataya.
- Salah: Araw-araw na mga pagdarasal.
- Zakah: Taunang kawanggawa.
- Sawm: Pag-aayuno sa buwan ng Ramadan.
- Hajj: Ang pagbisita sa Makkah na ang bawat Muslim ay tungkulin minsan sa kanilang buhay kung may kakayahan sa pisikal at pinansiyal.
Ngayong lubos mo nang nababatid kung ano ang kahulugan para maging isang Muslim, ikaw ay handa ng gawin ang iyong Shahadah.
Marahil ay wala kang malapit na kaibigang mga Muslim o hindi mo alam kung paano makipag-ugnayan sa Masjid sa inyong lugar.
Kami ay masayang alalayan ka sa mga hakbang ng pagyakap sa Islam. Huwag mahiyang makipag-chat sa isa naming Live Chat Agents, iklik lang ito “Chat Live” ngayon!
Maaari ka ding magtakda ng isang pagtawag at kami ay masiglang makikipag-ugnayan sa iyo sa pamamagitan ng telepono para alalayan ka sa proseso ng pagyakap. Pakiusap makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng iyong numero sa telepono, lugar at pinakamainam na oras na pwede kang tawagan.
Kung si Allah ay lilinisin ang bawat kasalanan na iyong nagawa sa buhay mo kapalit ng taus-pusong Shahadah, hindi ba’t napakainam nitong kasunduan? Katunayan, si Allah ay gumawa pa ng kasunduan na higit na mainam. Hindi lamang nilinis ang lahat ng mga kasalanan na iyong nagawa sa iyong buhay, bagkus ginawa Niya na ang mga kasalanang yaon, na maging gantimpala at saka ipagkakaloob pabalik sa iyo. Kaya hindi lamang magsisimula ka sa sandaling yaon ng iyong buhay na walang kasalanan, bagkus magsisimula ka sa iyong buhay na nakausad nang may mga gantimpalang ibiniyaya sa iyo, ngayon hindi ba napagandang kasunduan niyan o ano? Pero marami pang iba.
Gusto mo bang malaman kung ano ang makukuha ng pinakahuling makakapasok sa Paraiso? Bago ko sabihin sa iyo kung ano ang makukuha niya, hayaan mo na ipaliwanag ko sa iyo kung sino siya. Ang pinakahuling tao na makakapasok sa Paraiso ay isang tao na walang nagawang kabutihan sa kanyang buhay maliban sa naipahayag niya ang kanyang pananampalataya sa Islam, ang Shahada, kung kaya siya ay ipinatapon sa impiyerno para pagbayaran ang kayang mga hindi napagsisihang mga kasalanan. Kaya’t ano ba ang maaaring patas na gantimpala sa taong ito? Hindi ba siya magiging masaya sa isang palasyo sa Paraiso? Paano kaya ang isang lungsod, ito kaya ay makapagpapasaya sa kanya? Paano kaya kung isang buong estado para sa kanyang sarili? Isang bansa? Paano kaya kung buong mundo? Katiyakan dito ay masisiyahan na kahit pa ang pinakaganid sa atin.
Si Allah ay nangako na ang huling tao na makakapasok sa Paraiso, ay makakamit ang 10 kagaya nitong daigdig, at lahat na mayroon dito sa laki niya, lahat ng ito para sa isang taus-pusong pagpapahayag ng pananampalataya!
Sa oras na isinagawa mo ang iyong Shahada ikaw ay naging ganap na isang Muslim. Lahat ng iyong nakaraan na kasalanan ay hindi lamang pinatawad, bagkus ito ay ginawang mga gantimpala, ikaw ay naging malaya sa anumang kasalanan kagaya ng isang bagong silang na sanggol. Dahil ikaw ay nasa gayong kadalisay na kalagayan ngayon, ito ang pinakamainam na panahon para sa iyo na gumawa ng maraming Du’a [panalangin ng pagsusumamo], kung saan ikaw ay maaaring humiling kay Allah na tulungan kang tumahak sa landas na ito, at patuloy na patnubayan ka at gabayan ang iyong pamilya.
Si Allah ay biniyayaan kang ganap sa pamamagitan ng pagpatnubay sa iyo sa panuntunan ng buhay na ito na Kanyang nilikha para sa iyo. Sa katunayan, Siya ay pinili ka rin mula sa bilyon-bilyon para maging malapit sa Kanya at mamuhay sa iyong buhay sa pamamaraan na kinalulugdan Niya. Sa unang ilang mga araw ay maaaring medyo nakabibigla pa, kung kaya ipinapayo namin na bisitahin ang NewMuslimAcademy.org at magpatala ng walang bayad. Ang New Muslim Academy ay ginawa para sa mga bagong Muslim na kagaya mo, para tumulong gabayan ka sa bawat hakbang para maging madali para sa iyo ang iyong bagong karanasan.
Kung sakali na hindi ka pa nagShahada, hinihikayat ka namin na siyasatin pa ang Islam ng mataos, at isaalang-alang din na dalawin kami sa madaling panahon para makatulong na isantabi ang mga hadlang sa iyo at yumakap sa Islam. Sa kabila ng lahat, mayroong dahilan kung bakit ka nandito ngayon at binabasa ito, ang paanyaya ay laging bukas.
Kung mayroon kang anumang katanungan o hinahangad mong yakapin ang Islam, makipagChat sa isa sa aming mga dalubhasa, iclick ito para makipagChat ngayon.