Mapapatunayan Ba Nating Ang Qur’an ay Nagmula sa Diyos?
Ang mga Muslim ay may bagay na nag-aalok ng pinakamalinaw na katibayan sa lahat – Ang Maluwalhating Qur’an. Walang ibang aklat na kagaya nito saanman sa mundo. Ito ay ganap na perpekto sa wikang Arabe. Ito ay walang pagkakamali sa gramatika, mga kahulugan o konteksto. Ang siyentipikong katibayan ay batid sa buong mundo, kahit pa sa mga pantas na di-Muslim. Ang mga hula sa Qur’an ay nagkakatotoo; at ang mga aral ay malinaw para sa lahat ng tao, lahat ng lugar at sa lahat ng oras.
Sapat ng nakakagulat na ang Qur’an mismo sa kanyang sarili ay nagkakaloob sa atin ng pagsubok para sa mapananaligan at nag-aalok ng mga hamon laban sa sarili nito para patunayan ang katotohanan nito. Si Allah ay nagsabi sa atin sa Qur’an:
“Kaya hindi ba nila pinagninilay-nilayan ang Qur’an? Kung ito ay buhat sa iba pa kay Allah, talagang nakasumpong na sana sila rito ng maraming salungatan.” [Maluwalhating Qur’an 4:82]
Isa pang kamangha-manghang hamon mula sa Aklat ni Allah:
Kung kayo ay nasa isang pag-aalinlangan sa ibinaba Namin sa Lingkod Namin, magbigay kayo ng isang sūrah na tulad nito…” [Maluwalhating Qur’an 2:23]
At si Allah ay hinamon tayo ng:
“Kaya magdala kayo ng sampung kabanata na tulad nito.” [Maluwalhating Qur’an 11:13]
At pangwakas:
“Kaya magdala nga kayo ng isang surah na tulad nito.” [Maluwalhating Qur’an 10:38]
Walang isaman ang nakagawang maglabas ng aklat na kagaya nito, o sampung kabanata na kagaya nito, o kahit isang kabanata na kagaya nito. Ito ay nasaulo ng libong tao sa kapanahunan ni Muhammad [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya] at pagkatapos ang pagsasaulong ito ay itinuro mula sa guro patungo sa mag-aaral ng henerasyon sa henerasyon, mula sa bibig patungo sa tainga at mula sa isang nasyon patungo sa isa pa.
Ngayon ang bawat Muslim ay nakasaulo ng ilang bahagi ng Qur’an sa orihinal na wikang Arabe na siyang ipinahayag sa nakalipas na 1400 taon, kahit pa ang karamihan sa kanila ay hindi mga Arabe. Mayroong mahigit sa siyam na milyong [9,000,000] Muslim na nabubuhay ngayon sa mundo ang nakasaulo ng buong Qur’an, titik sa titik, at mabibigkas ang buong Qur’an, sa Arabe kagaya ng ginawa ni Muhammad ﷺ sa nakalipas ng 14 na taon.