Ang Hijab o Belo ay natatampok tuwing nagkakaroon ng tagisan sa pagitan ng katotohanan at kasinungalingan. Ito ay madalas nagiging maselang usapin noon pa man, subalit kamakailan lang ito binigyan ng matinding pansin dahil sa pagsasabatas at mungkahing pagsasabatas sa ilang bansang Europa [hal. Pransiya, Alemanya] na ipagbawal ang pagsusuot nito sa mga institusyon sa gobyerno gayundin sa mga institusyong pang-edukasyon. Para sa mga kababaihang nagsusuot nito dahil sa paniniwalang pangrelihiyon, ang katotohanan ay lantad at hindi pagtatalunan. Para sa ibang may kakaunting kaalaman o pagkaunawa sa Hijab o Belo, ito ay maaaring nakakalito.
Mahalagang maunawaan ang ilang mga punto na may kaugnayan sa hijab at kahinhinan. Ang unang punto, na ang kahinhinan ay isang nakasanayan na sa kasaysayan hanggang sa huling bahagi ng nakaraang siglo. Kung may isa lang na pag-aaralan ang mga aklat ng kasaysayan ng ibat-ibang panahon ay matatagpuan na ang mabining pantakip ng mga kababaihan sa halos lahat ng lipunan. Ang iba pang punto, na ang kahinhinan ay isang bahagi sa ilang pandaigdigang relihiyon, partikular sa Judaismo, Kristiyanismo at Islam. Ito ay maaaring ikagulat ng marami na hindi ang Islam ang nauna sa kahinhinan o hijab. Ito ay umiral na sa mga batas ng mga relihiyong ipinahayag bago pa ang Islam at ang mga bakas nito ay matatagpuan pa rin sa napakialamang mga aklat ng mga pananampalatayang yaon. Sa pamamagitan ng pinakahuling mensahe ni Propeta Muhammad [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya], ang pag-uutos sa Hijab ay napagtibay at natapos na.
Ito ay isang katotohanan dahil ang lahat ng mga kapahayagang yaon ay nagmula sa iisang Pinagmulan, kay Allah. Si Marya, ang ina ni Hesus [papurihan siya ni Allah], ay napakadalang na isinasalarawan na walang tradisyonal na belo at mapagkakamalan siyang Muslim. [Na katotohanan ay Muslim talaga siya]. Matatagpuan rin na parehong ang Hudyo at Kristiyanong kababaihan ngayon na nagbebelo ay napakalapit na kagaya sa paraan ng kababaihang Muslim. Ito ay isa sa mga kaugaliang nag-uugnay na pinagsasaluhan ng tatlong mga panguhaning pananampalatayang ito.
Higit pa sa isang simbolong pangrelihiyon
Ang hijab ay kumakatawan sa pagsuko ng kababaihan sa kanyang Tagapaglikha at ang kanyang ugnayan sa kanyang pananampalataya. Habang tinatalakay ito, si Allah ang Makapangyarihan sa lahat ay nagsabi: “Ito ay higit na nababagay sa kanila upang sila ay makilala…” Subalit habang ang hijab ay isang simbolo, sa katotohanan ito ay higit pa rito. Ang susunod na layunin at nagagawa ng hijab ay lilinawin ang punto na ito.
Ang hijab ay isang pagsubok para sa babaeng Muslim. Ito ay maliwanag mula sa Qur’an at mga Hadith na ang hijab ay isang tungkuling pangrelihiyon na kailangang gawin ng isang babae. Walang pagtatalo ang mga pantas sa puntong ito at ang Ummah ng Muslim ay isinabuhay ito sa mahigit na 14 na siglo. Na kapag ang isang babaeng Muslim ay nagsusuot ng hijab ito ay bilang pagsunod at pagsuko kay Allah. Ang susunod na mga talata ng Maluwalhating Qur’an ay tumutukoy sa pagiging likas na tungkulin ang hijab:
“Sabihin mo sa mga babaeng mananampalataya na magbaba sila ng paningin nila, pangalagaan nila ang kanilang mga puri, huwag nilang ilitaw ang kanilang gayak maliban sa nakalantad na mula sa mga ito, paabutin nila ang kanilang mga talukbong hanggang sa mga dibdib nila, huwag nilang ilantad ang kanilang gayak maliban sa kanilang mga asawa, o mga ama nila, o mga ama ng asawa nila, o mga anak nila, o mga anak ng mga asawa nila, o mga lalaking kapatid nila, o mga anak ng mga lalaking kapatid nila, o mga anak ng babaeng kapatid nila, o mga kapwa nila babae, o pag-aari ng kanilang kanang kamay [aliping nabihag], o mga lalaking lingkod na walang pangangailangan sa mga babae, o mga bata na hindi pa batid ang kahubaran ng mga babae. Huwag nilang ipadyak ang mga paa nila upang ipaalam ang nakakubli mula sa gayak nila. Magsisi kayong lahat kay Allah, o mga mananampalataya, nang harinawa kayo ay magtagumpay.” [Maluwalhating Qur’an 24:31]
Gayundin si Allah ay nagsabi:
“O Propeta, sabihin mo sa iyong mga maybahay at sa iyong mga anak na babae at sa mga Mananampalatayang kababaihan na ilaylay nila sa mga katawan nila ang kanilang mga balabal. Iyan ang lalong angkop nang sa gayon ay makilala sila upang hindi sila abusuhin. At si Allah ay laging Mapagpatawad, Maawain.” [Maluwalhating Qur’an 33:59]
Ang isang babaeng nagsusuot ng hijab ay pinalalaya ang kanyang sarili mula sa mali at makasariling pagnanasa para ipakita ang kanyang kagandahan at makipagpaligsahan sa ibang kababaihang nasa paligid niya.
Ito ay likas na pagnanasang pinalala ng walang habas na paglalantad na napipigilan ng kahinhinan at pagtatakip. Sa pamamagitan ng hijab, ang isang babae ay hindi kailangang mamuhay ng ayon sa inaasahan ng lipunan kung ano ang kanais-nais at hindi na niya kailangang gamitin ang kanyang kagandahan para makuha ang pagkilala o pagtanggap ng mga nakapaligid sa kanya.
Sa kabanata ng Al-Ahzab ay binanggit sa itaas , si Allah ang Makapangyarihan sa lahat ay nagsabi na ang kahulugan ay “Iyan ang lalong angkop nang sa gayon ay makilala sila upang hindi sila abusuhin.” Kung kaya, isa sa mga nagagawa ng hijab ay pangalagaan ang kababaihan mula sa pang-aabuso at pinsala. Partikular na kabilang dito ang ibat-ibang anyo ng pang-aabusong sekswal at panliligalig na talamak sa mga pamayanang kakaunti ang kababaihang nagtatakip. Ang mga kalalakihan ay madalas na nag-aakala ng magkahalong pahiwatig at naniniwalang ang mga kababaihan ay gusto na sila ay magsamantala sa pamamagitan ng kung paano sila nagpapakita ng kanilang mga katawan. Ang hijab, sa kabilang dako ay nagbibigay pahiwatig sa kalalakihan na ang may suot ay isang mahinhin at malinis na babae na hindi dapat binabastos.