Ang Islamikong katayuan hinggil sa mga pagsubok sa buhay at mga kapighatian, ay isa, na masidhing nagbibigay-lakas. Mga kalamidad, sakuna at trahedya – lahat ng anyo ng pagdurusa at paghihirap – ay tinatanaw bilang inadyang banal na mga pagsubok. Ang buhay na ito ay hindi nilayon para maging isang dambuhalang pasinaya, bagkus tayo ay nilikha na may dakilang layunin – para sambahin ang Diyos. Ang mga pagsubok ay hindi maiiwasang bahagi ng layuning ito. Ang mga pagsubok na ito ay nagsisilbing isang paalala ng ating higit na dakilang layunin, bilang paraan ng pagdadalisay, at sa huli, bilang isang paraan para mapalapit sa Diyos. Ang mga pagsubok sa katunayan ay tinatanaw bilang isang tanda, ng pag-ibig ng Diyos. Sa katunayan, si Propeta Muhammad [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya] ay nagwika,
“Kapag ang Diyos ay iniibig ang isang alipin, sinusubukan Niya ito.” [Tirmidhi]
Bakit ang Diyos ay sinusubukan ang Kanyang mga iniibig? Ang mga pagsubok at mga kapighatian ay ang daan para makamit ang Banal na Awa; isang paraan ng pagpasok sa walang hanggang kaligayahan ng paraiso. Ang Diyos ay malinaw na ipinahayag ito sa Qur’an, na nagsasabing,
“O inaakala ba ninyong papasok na kayo sa Hardin samantalang hindi pa dumating sa inyo ang katulad ng sa mga yumao noong wala pa kayo
Dinapuan sila ng kapinsalaan sa ari-arian at kapinsalaan sa katawan at niyanig sila hanggan sa magsabi ang sugo at ang mga sumampalatayang kasama niya: “Kailan darating ang tulong ni Allah?” Pakaalamin, tunay na ang tulong ni Allah ay malapit na!” [Maluwalhating Qur’an 2:214]
Ang kagandahan nito ay pinapalakas tayo ng Diyos sa pamamagitan ng lahat ng kinakailangan na paraan para malagpasan ang mga pagsubok na ito. Katotohanan,
“Hindi nag-aatang si Allah sa isang kaluluwa malibang ayon sa kakayahan nito.” [Maluwalhating Qur’an 2:286]
Sa pangkalahatan, anumang masama o pagdurusang naranasan sa buhay ay ang pagpapaliban at hindi ang patakaran. Ang karamdaman ay medyo maikling nararanasan kumpara sa mabuting kalusugan, tulad ng mga lindol kumpara sa edad ng lupa. Bukod pa rito, dahil lamang sa maaaring wala tayong kakayahang maunawaan ang karunungan sa likod ng isang bagay, ay hindi nangangahulugang wala ito rito. Halimbawa, sa ilang mga pagkakataon, ang pagkakasakit ay nagbubunga ng pamumuo ng panlaban sa sakit; Ang mga lindol ay pinapawi ang mga nakakulong na presyon sa kaibuturan ng lupa; at ang mga bulkan ay ibinubuga ang mga mineral na nagdudulot sa mayamang matabang lupa para sa agrikultura.
Mayroong isang sinaunang karunungan na nagsasabing, “Mula sa lason ng ahas ay lumalabas ang lunas”. Paano pa ang isang tao ay mapapahalaga sa kaginhawahan nang hindi unang naranasan ng paghihirap? Mangyayari bang pahalagahan ang mabuting kalusugan kung ang karamdaman ay hindi dumapo? Sinasabi na,
“Ang kasamaan sa mundo ay kagaya ng mga bahaging initiman sa isang pinta; kung titingnan ito ng malapitan ay makikita mo ito bilang mga kapintasan, ngunit kung aatras ka ng isang agwat ay matutuklasan mo na ang mga bahaging initiman ay kinakailangan para ipinta ang isang estetikang layunin sa loob ng likhang sining.” Islamic Theology vs the Problem of Evil by Abdal Hakim Murad.
Ang mga nag-aalinlangan ay maaaring magtuon sa mga negatibong aspeto, mag-aangkin na ang kasamaan at pagdurusa ay hindi nagsisilbing isang dakilang layunin. Ang mga Muslim sa kabilang banda, ay naniniwala na ang mga pagsubok at mga kapighatian ay hindi maiiwasang bahagi ng pagtatatag ng kanilang pinakasakdal na layunin. Ang Qur’an ay binigyang diin ang ganitong kasepto, nagpahayag na,
“Siya na lumikha sa kamatayan at buhay upang subukin Niya kayo kung alin sa inyo ang pinakamagaling sa gawa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Mapagpatawad.” [Maluwalhating Qur’an 67:2]
Sa ilang mga relihiyon, ang mabuting katayuan ng isang tao sa mundo ay tinitingnan bilang palatandaan na ang Diyos ay nalulugod sa kanya. Halimbawa, kung ang isang tao ay mayroong magandang trabaho o magarang bahay ang pagpapalagay ay mahal siya ng Diyos. Subalit, sa Islam, ang kalusugan, kayamanan, kahirapan, karamdaman atbp., ay hindi palatandaan ng tagumpay o kabiguan: ang mga ito ay paraan ng pagsubok sa bawat isa para malaman ang kanilang tugon sa isang partikular na katayuan.
Maling Mga Palagay
Walang pagtatatwa sa dami ng kasamaan at mga pagdurusa na umiiral sa mundo, at tayong lahat ay nararapat mangamba kung paano natin magagawa ang karanasang pantao na maging higit na mapayapa. Ang ilan ay mangangatuwiran na ang pag-iral ng lahat ng kasamaan at pagdurusa ay pinapahina ang pag-iral ng Diyos. Gayunman, isantabi ang damdamin, ito ba ay kapani-paniwalang katuwiran?
Ang mga argumento ay mabubuod sa mga sumusunod na paraan.
“Ito’y hindi kapani-paniwala na ang isang mabuti, makapangyarihan sa lahat na Diyos ay umiiral kasama ang lahat ng kasamaan at pagdurusa sa mundo.”
Sa lohikal na anyo nito:
- Isang mabuti makapangyarihan sa lahat na Diyos ay umiiral
- Kasamaan at pagdurusa ay umiiral
- Samakatuwid ang isang mabuti makapangyarihan sa lahat na Diyos ay hindi umiiral
Ang pangunahing aral sa lohika ay magagawa ng isang taong maunawaan na ang argumentong ito ay hindi makatuwiran. Ang konklusyon ay hindi kinakailangan sumunod mula sa nakaraang dalawang salaysay. Bagkus, ang konklusyon ay maaaring totoo, ang mahalaga, ito ay isang argumento ng posibilidad. Ang problema ng argumento ng kasamaan ay isang napakahina dahil ito ay nakabatay sa dalawang malalaking maling palagay.
Ang mga ito ay:
- Ang Diyos lamang ay mabuti at makapangyarihan sa lahat
- Ang Diyos ay hindi nagkaloob sa atin ng mga dahilan kung bakit Niya pinayagan ang kasamaan at pagdurusa
Ang Diyos Lamang Ay Mabuti At Makapangyarihan Sa Lahat?
Ang problema sa argumento ng kasamaan ay mali ang pagpapakilala sa Islamikong konsepto ng Diyos. Ang Diyos ay hindi lamang mabuti at makapangyarihan sa lahat; bagkus, Siya ay maraming mga pangalan at katangian, lahat ng ito ay batid sa kabuuan. Halimbawa, isa sa Kanyang mga pangalan ay Ang-Matalino. Dahil likas sa Diyos ay Matalino, kaya alinsunod dito na anumang Kanyang naisin ay may katalinuhan. Kung may katalinuhan sa likod nito, magkagayun may layunin para dito. Bilang katugunan, ang mga nag-aalinlangan ay may karaniwang sagot sa sumusunod na paraan:
“Bakit kailangan Niya na subukin tayo sa ganyan kasamang mga paraang?”
Ang katugunang ito ay kinakatawan ang Islamikong katayuan ng mali at nagagawa ang pagkakamali sa pakikipagtalo mula sa kamangmangan. Ang punto rito ay dahil lamang sa ang katalinuhan na hindi maunawaan, ay hindi nangangahulugan na wala ito. Ang ganitong pangangatwiran ay karaniwan sa mga musmos. Maraming mga musmos ang sinasabihan ng kanilang mga magulang sa bagay na gusto nilang gawin. Halimbawa, gustong inumin ang nakakaakit na kulay gintong-kayumangging likido, na kilala bilang alak. Ang mga musmos ay maaaring umiyak o mag-alboroto dahil iisipin nila na anong sama ni Mama o Papa sa hindi nila pagpayag na kanilang inumin ito. Ngunit hindi pa nila nauunawaan ang nasa likod ng katalinuhan kaya sila ay hindi pinapayagang inumin ito.
Ang Qur’an ay ginagamit ang malalim na mga kwento at mga salaysay para itanim ang pagkaunawa sa isipan ng mga mambabasa. Kunin halimbawa ang kwento ni Moises at Al-Khidr.
“At natagpuan nila ang isang lingkod mula sa Aming mga lingkod kung kanino ipinagkaloob Namin ang awa mula sa Amin at tinuruan Namin siya ng isang [tiyak] na kaalaman.
Sinabi sa kanya ni Moises, ‘Maaari ba akong sumama sa iyo, sa kasunduan na tuturuan mo ako mula sa itinuro sa iyo na tamang paghatol.?’
Sabi niya, ‘Katiyakan, sa akin ay hindi ka makapagtitimpi. At paano ka makapagtitimpi sa hindi nasasaklaw ng iyong kaalaman?’
[Si Moises ay] nagsabi, ‘Makikita mo ako, kung loloobin ni Allah, na magtitimpi, at hindi kita sasalungatin sa [anumang] utos.’
Siya ay nagsabi, ‘Magkagayun kung sasama ka sa akin, huwag mo akong tatanungin sa anuman hangga’t sa sabihin ko sa iyo ang tungkol dito.’
Kaya’t sila ay pumaroon, hanggang sa sila ay sumakay sa barko, si Al-Khidr ay binutas ito.
[Si Moises ay] nagsabi, ‘Sinira mo ba ito para ang mga tao dito ay malubog? Katiyakan nakagawa kang isang napakasamang bagay.’
[Si Al-Khidr ay] nagsabi, ‘Hindi baga sinabi ko sa iyo na sa akin ay hindi ka kailanman makapagtitimpi?’
[Si Moises ay] nagsabi, ‘Huwag mo akong sisihin kung nakalimot ako at huwag mo akong pangibabawan sa aking mga bagay ng may kabigatan.’
Kaya’t sila ay pumaroon, hanggang may natagpuan silang isang batang lalaki, si Al-Khidr ay pinaslang ito.
[Si Moises ay] nagsabi, ‘Pinaslang mo ba ang isang inosenteng kaluluwa ng para lang sa [pagpatay] ng isang kaluluwa? Katiyakan nakagawa kang isang kasuklam-suklam na bagay.’
[Si Al-Khidr ay] nagsabi, ‘Hindi baga sinabi ko sa iyo na sa akin ay hindi ka kailanman makapagtitimpi?’
[Si Moises ay] nagsabi, ‘Kung ako ay muli pang magtanong tungkol sa anumang bagay pagkatapos nito, magkagayun huwag mo na akong panatilihing kasama mo. Ikaw ay nagkaroon ng dahilan mula sa akin.’
Kung kaya sila ay pumaroon, hanggang dumating sila sa mga tao sa bayan, sila ay humingi sa mga tao ng pagkain, ngunit sila ay tinanggihang tanggaping mga panauhin. At may natagpuan silang bakod [o dingding] na malapit ng mabuwal, kaya si Al-Khidr ay inayos ito.
[Si Moises ay] nagsabi, ‘Kung nanaisin mo, maaari kang kumuha ng bayad para dito.’
[Si Al-Khidr ay] nagsabi, ‘Ito na ang paghihiwalay sa pagitan natin. Ipababatid ko sa iyo ang kahulugan tungkol sa kung saan hindi ka nakapagtimpi.
Yaong sa barko, ito ay pag-aari ng mahirap na mga taong naghahanap-buhay sa dagat. Kung kaya nilayon ko na sirain ito dahil kasunod nila ay isang hari na nang-aagaw ng bawat [maayos] na barko ng sapilitan. At para naman sa bata, ang kanyang mga magulang ay mananampalataya, at natakot kami na siya ay pahirapan sila sa pamamagitan ng pagmamalabis at kawalang ng pananampalataya. Kaya nilayon namin na ang kanilang Panginoon ay palitan para sa kanila ng isang higit na mainam sa kanya sa kadalisayan at malapit sa awa. At para naman sa bakod, ito ay pag-aari ng dalawang batang ulila sa lunsod, at sa ilalim nito ay may kayamanan para sa kanila, at ang kanilang ama ay naging matuwid. Kung kaya ang iyong Panginoon ay nilayon sa sila ay maabot ang hustong gulang at hukayin ang kanilang kayamanan, bilang awa mula sa iyong Panginoon.
At ginawa ko ito hindi sa sariling kagustuhan. Ito ang kahulugan tungkol sa mga hindi mo napagtimpihan.’” [Maluwalhating Qur’an 18:65-82]
Pagpuna sa mga talata sa itaas, ang klasikong pantas na tagapagpaliwanag ng Qur’an, si Ibnu Kathir, ay nagpaliwanag na si Al-Khidr na isang pinagkalooban ng kaalaman ng Diyos sa mga katotohanang ito na hindi Niya ipinagkaloob kay Moises. Na tinutukoy sa mga pahayag na:
“Katiyakan, sa akin ay hindi ka makapagtitimpi.”
Si Ibnu Kathir ay sumulat na ang kahulugan nito,
“Hindi mo magagawang sumama sa akin kapag nakita mo akong ginagawa ang mga bagay na labag sa iyong batas, dahil ako ay may kaalaman mula kay Allah na hindi Niya itinuro sa iyo, at ikaw ay may kaaalaman mula kay Allah na hindi Niya itinuro sa akin.” [Tafsir Ibnu Kathir]
Sa diwa, ang katalinuhan at kaalaman ng Diyos ay walang hangganan at ganap, samantalang tayo bilang tao ay mayroong lamang mga partikular: sa madaling salita, limitado ang karunungan at kaalaman. Kaya naman, si Ibnu Kathir ay nagpaliwanag na ang talata:
“At paano ka magkakaroon ng pagtitimpi sa isang bagay na hindi mo nalalaman.”
Nangangahulugan,
“Dahil alam ko na tutuligsain mo ako na may pangangatuwiran, ngunit mayroon akong nalalaman sa karunungan ni Allah at sa mga lingid na mga kapakanang nakikita ko ngunit ikaw ay hindi.” [Ibid]
Ang pananaw na ang lahat ng nangyayari ay alinsunod sa Banal na karunungan ay nagpapalakas at positibo. Ito ay dahil sa ang karunungan ng Diyos ay hindi sinasalungat ang ibang aspeto ng Kanyang kalikasan, kagaya ng Kanyang kaganapan at kabutihan. Samakatuwid, ang lahat ng kasamaan at pagdurusa ay sukdulang bahagi ng isang dakilang Banal na pagtatakda. Ito ay pinupukaw ang positibong sikolohiyang tugon mula sa mga mananampalataya, dahil sa huli, ang lahat ng kasamaan at pagdurusa ay magsisilbi sa isang layunin na parehong madunong at mabuti. Ang ika-14 na siglong klasikong pantas na si Ibnu Taymiyyah ay binuod ang puntong ito na nagsasabing,
“Kung ang Diyos – Siya na kataas-taasan – ay ang Tagapaglikha sa lahat, nilikha Niya ang mabuti at masama dahil sa isang matalinong layunin na mayroon Siya; dahil dyan sa pamamagitan ng kabutihan ng Kanyang gawa ay mabuti at ganap. [Minhaj As-Sunnah 3:142/2:25]
Ang Diyos Ba Ay Hindi Tayo Binigyan Ng Mga Dahilan?
Ang sapat na tugon sa pangalawang palagay ay ang maglahad ng isang matibay na argumento na ang Diyos ay mayroong makatuwirang mga dahilan para pahintulutan ang pagdurusa at kasamaan sa mundo. Ang matalinong kayamanan ng Islamikong Teolohiya ay nagkakaloob sa atin ng maraming mga dahilan, ang ilan dito ay kinabibilangan ng:
Ang pangunahing layunin ng sangkatauhan ay hindi para magtamasa ng pansamantalang diwa ng kaligayahan, bagkus para maabot ang isang malalim na panloob na kapayapaan sa pamamagitan ng pagkilala at pagsamba sa Diyos. Ang kaganapan ng Banal na Layuning ito ay magdudulot ng walang hanggang kaligayahan at kasiyahan. Kung ito ang ating pangunahing layunin, ang ibang mga aspeto ng karanasan ng tao ay pangalawa na lamang. Ang Diyos ay nagpahayag:
“Hindi ko nilikha ang engkanto at tao kundi para sambahin Ako.” [Maluwalhating Qur’an 51:56]
Kagaya ng nabanggit na, ang Diyos ay nilikha tayo para sa isang pagsubok; hindi maiiwasang bahagi nito ay ang subukin ng pagdurusa at kasamaan.
Ang Qur’an ay binabanggit,
“Siya na lumikha sa kamatayan at buhay upang subukin Niya kayo kung alin sa inyo ang pinakamagaling sa gawa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Mapagpatawad.” [Maluwalhating Qur’an 67:2]
Ang pagkakaroon ng paghihirap at pagdurusa ay nagbibigay kakayahan upang mapagtanto natin at malaman ang mga katangian ng Diyos kagaya ng ‘Tagapagpanagumpay’ at ‘Tagapaglunas’. Halimbawa, kung walang sakit at pagdurusa ng karamdaman, hindi natin kikilalanin ang katangian ng Diyos bilang ‘Tagapagpaglunas’. Ang kaalaman na ang Diyos ay isang dakilang kabutihan, at mahalaga na maranasan ang pagdurusa o kirot – na ito ay mangangahulugan ng kaganapan ng ating pangunahing layunin.
Ang pagdurusa ay 4binibigyang daan ang ikalawang hanay na kabutihan. Ang unang hanay na kabutihan ay pisikal na kaligayahan at kasiyahan, at ang unang hanay na kasamaan ay pisikal na kirot at kalungkutan. Ang ikalawang hanay na kabutihan ay itinaas na kabutihan, kagaya ng katapangan. Ang katapangan ay pinahahalagahan sa pag-iral ng karuwagan.
Ang Diyos ay pinagkalooban tayo ng malayang pagpili na kabilang ang pagpili sa mga gawang masama.Ito ay nagpapaliwanag ng pansariling kasamaan, kung saan ito ay masama o pagdurusang gawa ng isang tao. Ang isang tao ay maaaring ipangatwiran ang sumusunod: bakit hindi sa atin ipinagkaloob ng Diyos ang pagpili na gumawa ng mabuti o masama subalit tiyakin na pipiliin natin sa tuwina ang mabuti?
Ang problema dito ay mawawalan ng kahulugan ang mabuti at masama kung ang Diyos ay palaging titiyakin na pipiliin natin ang mabuti. Isaalang-alang ang sumusunod na halimbawa: may isang tao na laging itinututok ang isang kargadong baril sa iyong ulo at iniuutos sa iyo na magbigay ng kawanggawa. Ikaw ay tiyak na magbibigay ng kawanggawa, subalit ito ba ay may anumang kabuluhang pangmoral? Wala.
Konklusyon
Ang ilang mga kasagutan sa nabatid na problema ng kasamaan ay natalakay dito. Pangwakas, ang kawalan ng anumang kasamaan o pagdurusa ay magtuturo sa kaganapang lubos, ngunit ito ay isang bagay na natatangi para sa Diyos lamang. Ang buhay sa mundo ay hindi kailanman magiging isang walang bahid na paraiso: ang ganitong kalagayan ay makakamit lamang ng mga taong makakapasa sa pagsubok ng umiiral na mundong ito.