Wika ni Joram Van Klaveren
“Ang pakiramdam parang kagaya ng isang pagbabalik relihiyoso para sa akin”
na pinatotohanang siya ay nagbalik-Islam noong Oktubre, 2018. Isang dating konserbatibong politikong Olandes, siya ay naglingkod bilang isang miyembro ng Parliyamento sa partidong PVV. Siya ay hayagang kalaban ng Islam, na minsan ay nagsabing, “Ang Islam ay isang kasinungalingan at isang sakit at ang Qur’an ay lason.”
Si Van Klaveren ngayon ay kinikilala ang kanyang nakaraang mga pananaw sa Islam na “isang pagkakamali”. Siya ay umamin na ang polisiya ng PVV ay para isisi sa Islam sa anumang paraan ang lahat ng mangyayaring kamalian.
Pagkatapos na iwanan ang partidong PVV, siya ay kaagad bumuo ng sariling partido. Para sa Netherlands, subalit nabigong manalo ng isang pwesto noong 2017 sa pambansang halalang at nilisan ang pulitika.
Gamit ang pagkakataon pagkatapos ng kanyang pagreretiro sa pulitika, si Van Klaveren ay nagpasya na sumulat ng isang aklat na nakatuon sa pagbatikos sa Islam batay sa kaalaman na kanyang inisip na nalalaman niya sa kanyang panahon sa pulitika.
“Sa panahon ng pagsusulat na yaon ay nadaanan ko ang higit pang maraming mga bagay na nagdulot sa aking pananaw sa Islam ay manghina.”
Gayunman, ang kanyang pinakamalaking hadlang ay tanggalin ang kanyang negatibong pananaw kay Propeta Muhammad [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya].
“Napakaraming kasinungalingan ang kumalat tungkol sa taong ito. Pagkatapos na maunawaan ito ay masasabi ko na ako ay isang Muslim.”
Ang kanyang pananaw ay nabago ng malaki, na ang aklat ay naging isang pagsalungat laban sa maling pagkaunawa na mayroong ang mga di-Muslim tungkol sa Islam. Ang pamagat ay “Apostate: From Christianity to Islam in the Time of Secular Terror.”
Ang Islam ay nangangahulugan lamang ng makamit ang kapayapaan sa pamamagitan ng pagpapasakop at pagsuko sa kalooban ng Diyos sa paraang taus-pusong pagsunod sa Kanyang mga Utos. Ang Islam ay nagtuturong may isang Diyos, si Allah, at ang Kanyang huli at pangwakas na Sugo ay si Propeta Muhammad ﷺ. Para maging Muslim, ay dapat na maniwala sa Diyos, mga Anghel, mga Aklat [Lumang Tipan, mga kapahayagan ng mga Propeta, Salmo, Ebanghelyo, at ang Qur’an], mga Propeta, Muling Pagkabuhay, at Takdang Hantungan.
Halos limang porsiyento ng papulasyong Olandes sa 17 milyong tao o mga 850,000 ay mga Muslim, ayon sa Dutch Central Statistics Bureau [CBS]. Ang relihiyon ay lumalago, na tinataya ng mga dalubhasa na ang numerong ito ay madodoble sa taong 2050.
Si Van Klaveren ay hindi ang unang tao na nagbalik-Islam mula sa partidong PVV. Si Arnoud Van Doorn, ay isa rin dating miyembro ng partido, yumakap sa Islam noong 2012. Si Van Doorn ay binati si Van Klaveren sa kanyang pasya sa pamamagitan ng Twitter, isinulat ang:
“Hindi ko kailanman inisip na ang PVV ay magiging isang pasibulang lupa para sa mga balik-Islam.”
Si Joram Van Klaveren, lumaki sa isang Protestanteng Kristiyanong Ortodoks na kapaligiran, nagsabi sa pahayagang Olandes na ang kanyang pagyakap ay isang bagay na kanyang “matagal nang panahong pananaliksik.
Kung maniniwala ka sa isang Diyos at si Muhammad ay isang propeta, kagaya ni Hesus at Moises, magkagayun ikaw ay isang Muslim.”