Ang Qur’an ay nagtuturo na tayo ay dapat maniwala sa lahat ng mga propeta at mga sugo na silang lahat ay pinili para tulungang magabayan ang sangkatauhan sa sukdulang katotohanan ng kaisahan ng Diyos at ng ating pagkaalipin sa Kanya. Ang Qur’an ay binabanggit ang mga kwento nina Abraham, Moises, Hesus, David, Juan, Zakaryas, Elias, Hakob, at Jose, sumakanilang lahat ang kapayapaan.
Ang ginagampanan ng mga sugo at propeta ay maging buhay na larawan ng kung ano ang ipinahayag sa kanila. Halimbawa, sila ay maging huwaran at mga halimbawa ng kamalayan sa Diyos, pagkamatuwid at pagkamahabagin. Dahil ang mga sugo ay binigyan ng kapahayagan ng Diyos, ang kanilang ginagampanan ay kabilang rin ang pagtuturo ng tumpak na kahulugan at pagkaunawa ng kung ano ang ipinahayag ng Diyos. Karagdagan pa, ang mga sugo at propeta ay nagsisilbing isang praktikal at espiritwal na halimbawa habang kinakatawan nila ang kahulugan, mensahe at kagalingang ipinarating ng Banal na teksto. Mula sa pananaw na ito, ang Banal na kapahayagan ay sinasabi sa atin kung ano ang gagawin at ang buhay ng Propeta [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya] ay ipinakita sa atin kung paano gawin ito.
Ang Qur’an ay binanggit ang pangalan ni Propeta Muhammad ﷺ ng limang ulit at pinatotohanan na ang aklat ay ipinahayag sa kanya sa pamamagitan ni anghel Gabriel. Ang Qur’an ay pinagtibay na si Muhammad ﷺ ay panghuling sugo ng Diyos. Mula sa pananaw na ito, ang matalinong pagpapatibay ng katayuang ito ni Propeta Muhamamad ﷺ ay napakadali. Sa sandaling mapagtibay ang Qur’an bilang isang Banal na aklat, kinakailangan na ang mga sumusunod ay kung anuman ang sinasabi nito ay katotohanan. Dahil binabanggit dito si Muhammad ﷺ bilang Sugo ng Diyos, at anumang magmula sa katotohanan ay tunay, magkagayun ang katotohanang si Muhammad ﷺ ay tumanggap ng Banal na kapahayagan ay tunay din. Sa kabila ng hindi maitatangging konklusyong ito, na katotohanang si Propeta Muhammad ﷺ ay ang panghuling sugo ng Diyos ay mapagtitibay rin mula sa kanyang mga karanasan, mga aral, pagkatao at ang idinulot niya sa mundo.
Ang mga karanasan sa buhay ni Propeta Muhammad ﷺ ang isa sa pinakamalakas na katibayan bilang tulong sa kanyang inaangkin – at bilang karagdagan ang Qur’an ay inangkin – na siya ay pinakahuling sugo. Minsan ang isang pagsisiyasat sa kanyang buhay ay isinagawa, para palabasing siya ay nagsisinungaling o nalinlang ay katumbas na rin ng pagsasabing wala kailanman ang nagsabi ng totoo. Para maging brutal na makatotohanan, ito ay maaaring kasing bigat ng pagtangging ang taong tinatawag mong ina ay ang nagsilang sa iyo. Ang mga aral ni Propeta Muhammad ﷺ ay sinasakop ang malawak na saklaw ng mga paksa kabilang ang espiritwal, lipunan, ekonomiya at sikolohiya. Ang pag-aralan ang kanyang mga sinabi, at gawin ang pangmalawakang pagtanaw sa kanyang mga aral, ay mapipilitan ang sinumang may makatuwirang isip na magpasya na mayroon ditong katangi-tangi at kakaibang bagay tungkol sa taong ito.
Napakahalaga, ang pagbusisi sa kanyang katauhan sa konteksto ng napakaraming mahihirap na katayuan at mga pagkakataon ay magdadala sa konklusyon na siya ay mayroong hindi mapapantayang antas ng pagpaparaya, pagpipigil at kababaang-loob – palatandaan ng isang propetikong katangian. Ang buhay at mga aral ni Propeta Muhammad ﷺ, gayunman ay hindi lamang naimpluwensiyahan ang mundo ng Arabe, bagkus ito ay nagkaroon din matinding epekto sa buong sangkatauhan. Sa madaling salita, si Muhammad ﷺ ay may kinalaman sa wala pang nakagawang pagpaparaya, pag-unlad at katarungan.
Pagtatwa kay Muhammad ﷺ, Pagtatwa sa iyong Ina
Ang tanging tunay na pinagmulan ng kaalaman na dapat nating tiyakin ay ang babaeng tinatawag nating ina ang nagsilang sa atin ay kaalamang testimonyal. Kahit pa inaangkin nating mayroong isang katibayan ng pagsilang, tala ng pagamutan, o katibayan ng pagsusuri ng DNA, ito ay nananatili pa ring halimbawa ng kaalamang testimonyal. Kailangan mong maniwala sa sinabi lamang ng iba. Sa pagkakataong ito, sa isang nagsulat sa katibayan ng pagsilang, sa taong katiwala sa talaan ng pagamutan, sa taong nagsagawa ng katibayan ng pagsusuri ng DNA.
Sa panimula, ito ay nakabatay lamang sa isang testimonyal na pagsasalin, walang kahit isang piraso ng pisikal na katibayan na maaaring personal mong mapagmamasdan para mapagtibay ang pag-aangkin na ang iyong ina ang nagsilang sa iyo. Kahit pa gawin mo mismo ang pagsusuring DNA [na mahirap mangyari], ang iyong paniniwala ngayon na siya ang nagsilang sa iyo ay hindi batay sa katibayan na maaari mong mahawakan ang resulta. Ang kabalintunaan ay ang tanging dahilan mo na maniwala ay maaari mong gamitin ang pagsusuring DNA para mapatunayang ang iyong ina ang nagsilang sa iyo ay batay sa testimonyal na pagsasalin ng ilang awtoridad na nagsasabi sa iyo dahil hindi ikaw mismo ang gumawa nito.
Kung kaya, mula sa perspektibong panukat, ang batayan ng iyong paniniwala na ang iyong ina ang nagsilang sa iyo ay nakabatay sa ilang pagkakataon ng testimonyal na pagsasalin. Sapagkat mayroon tayong higit na mapananaligang testimonyal na katibayan para mapagtibay na si Propeta Muhammad ﷺ ang panghuling propeta ng Diyos, magkagayun para itatwa si Muhammad ﷺ ay katumbas ng pagtatatwa sa iyong sariling ina.
Ang Argumento
Si Propeta Muhammad ﷺ ay nag-angkin ng pagkapropeta sa mahigit 1,400 taong nakalipas sa mga sumusunod na payak, subalit malawak na mensahe: Walang dapat sambahin kundi Diyos, at si Propeta Muhammad ﷺ ay panghuling sugo ng Diyos.
Si Propeta Muhammad ﷺ ay naging propeta sa edad na 40, pagkatapos na gugulin ang ilang panahon ng pag-iisa at pagninilay-nilay sa isang yungib sa labas ng Makkah.
Ang bukang-liwayway ng pagkapropeta ay nagsimula sa pagpapahayag ng mga unang talata ng Qur’an. Ang mensahe nito ay payak: ang pinakasukdulang layunin ng buhay ay para sambahin ang Diyos.
Ang pagsamba ay isang malawak na kataga sa Islamikong tradisyong espiritwal; nangangahulugan itong magmahal, kumilala, sumunod, at ialay lahat ng gawang pagsamba sa Diyos lamang.
Para subukin ang kanyang pag-angkin sa pagkapropeta at katotohanan ng kanyang mensahe, tayo ay dapat na magsiyasat ng makatuwiran sa mga makasaysayang salaysay at mga patotoo kaugnay sa buhay ng Propeta ﷺ. Kapag ginawa natin ito, darating tayo sa katayuan ng isang patas na konklusyon ukol sa bagay na ito.
Ang Qur’an ay nagkaloob ng makatuwirang paglapit para subukin ang pag-angkin ng Propeta ﷺ. Ito ay nangangatuwiran na ang Propeta ﷺ ay hindi sinungaling, baliw, ligaw, o nalinlang, at itinatanggi na siya ay nagsasalita mula sa kanyang sariling nasa. Ang Qur’an ay pinatunayan na siya sa katotohanan ay sugo ng Diyos, samakatuwid siya ay nagsasalita ng katotohanan.
“Ang kasama ninyo ay hindi naligaw o nalinlang. Hindi siya nagsasalita ng ayon sa [kanyang] nasa” [Maluwalhating Qur’an 53:2-3]
Mabubuod natin ang argumento sa sumusunod na paraan:
– Si Propeta Muhammad ﷺ ay isang sinungaling, o nalinlang, o nagsasabi ng katotohanan,
– Si Propeta Muhammad ﷺ ay maaaring hindi naging isang sinungaling o nalinlang,
– Samakatuwid ang Propeta ﷺ ay nagsasabi ng katotohanan.
Siya ba ay isang Sinungaling?
Ang sinaunang pinagmulan ng kasaysayan sa buhay ni Propeta Muhammad ﷺ ay naglalarawan ng integridad ng kanyang pagkatao.
Siya ay hindi isang sinungaling at para igiit ito ng ganito kalubos ay hindi na kailangang ipagtanggol. Ang mga dahilan para sa kasaklawang ito – halimbawa, siya ay kilala kahit pa ng mga kaaway ng kanyang mensahe bilang ang “Mapagkakatiwalaan”.
Siya ay inusig dahil sa kanyang mga paniniwala, binoykot at itinaboy mula sa kanyang minamahal na lungsod – ang Makkah. Siya ay ginutom sa pagkain at binato ng mga bata hanggang sa puntong mabasa ng dugo ang kanyang mga binti. Ang kanyang asawa ay pumanaw at ang kanyang minamahal na mga kasamahan ay pinahirapan at inusig.
Karagdagang patunay si Propeta Muhammad ﷺ ay mapapanaligan at may kredibilidad ay napagtitibay sa katotohanang ang isang sinungaling ay kadalasang nagsisinungaling para sa mga makamundong pakinabang. Si Muhammad ﷺ ay dumanas ng matindi para sa kanyang mensahe at tinanggihan ng tahasan ang mga yaman at kapangyarihan na inalok sa kanya para itigil ang pagpapalaganap ng kanyang mensahe. Siya ay matatag sa kanyang pag-anyaya sa kaisahan ng Diyos.
Si Montgomery Watt, ang yumaong dating Propesor ng Arabe at Islamikong Pag-aaral, siniyasat ito sa Muhammad at Mecca at nangatuwirang ang tawaging impostor ang Propeta ay hindi makatuwiran.
Ang kanyang kahandaan na sumailalim sa pag-uusig para sa kanyang mga paniniwala, ang mataas na moral ng pagkatao ng mga tao na naniniwala sa kanya at tumitingala sa kanya bilang isang pinuno, at ang kadakilaan ng kanyang pinakarurok ng tagumpay – lahat ay kumakatwiran sa kanyang pangunahing integridad. Para akalaing si Muhammad ﷺ ay isang impostor ay nagdudulot ng karagdagang problema sa halip na nalulutas nito.
Siya ba ay Nalinlang?
Ang sabihin na si Propeta Muhammad ﷺ ay nalinlang ay para mangatuwiran na siya ay naligaw na maniwalang siya ay ang sugo ng Diyos. Kung ang isang tao ay nalinlang, sila ay may malakas na sampalataya sa isang paniniwala sa kabila ng anumang katibayang sumasalungat. Ang iba pang paraan ng pagtanaw sa usapin ng pagkalinlang ay kapag ang isang tao ay nalinlang, sila ay nagsasalita ng kasinungalingan habang naniniwala na ito ay totoo. Si Propeta Muhammad ﷺ ay maraming karanasan sa panahon ng kanyang tungkulin, na kung siya ay nalinlang, gagamitin nila ito bilang katibayan para mapagtibay ang kanyang kahibangan.
Isang halimbawa ay ang pagpanaw ng kanyang anak, si Ibrahim. Ang bata ay namatay sa murang edad at sa araw na siya ay namatay ay nagkaroon ng eklipse. Maraming mga Arabe ang nagpalagay na ang Diyos ay hinayaang mangyari ito dahil ang anak ng Kanyang propeta ay pumanaw. Kung ang Propeta ﷺ ay hibang, ginamit na niya ang pagkakataon na palakasin ang kanyang pag-aangkin. Datapwat, hindi niya ginamit at tinanggihan ang pag-aakala ng mga tao. Ang Propeta ﷺ ay nagwika sa kanila sa ganitong pamamaraan:
“Ang araw at buwan ay hindi nag-eeklipse dahil sa pagpanaw ng isang tao mula sa mga tao bagkus ang mga ito ay dalawang pangyayaring kabilang sa mga tanda ng Diyos. Kapag masaksihan niyo ang mga ito, tumayo at magdasal.”
Ang Propeta ﷺ ay naghula rin ng maraming mga bagay na mangyayari sa kanyang pamayanan pagkatapos ng kanyang kamatayan. Ang mga pangyayaring ito ay naganap eksaktong kagaya ng hula ni Muhammad ﷺ, at ang ganito ay hindi nangyayari sa isang hibang na tao. Halimbawa:
Ang Pananakop ng Mongol
Anim na raang taon o mahigit pa pagkatapos ng kamatayan ni Propeta Muhammad ﷺ, ang mga Mongol ay sinakop ang mga lupain ng mga Muslim at pinaslang ang milyon-milyong tao. Isang makasaysayang pangyayari sa pananakop ay ang pandarambong ng Baghdad. Sa panahong yaon, ito ay kilala bilang lungsod ng kaalaman at kultura. Ang mga Mongol ay dumating sa Baghdad noong 1258 at gumugol ng isang linggong pagpapadanak ng dugo. Sila ay determinadong wasakin ang lungsod. Libu-libong mga aklat ang sinira at mahigit isang milyong tao ang pinaslang. Ito ay isang malaking pangyayari sa kasaysayang Islamiko.
Ang mga Mongol ay di-Arabe na may sarat na ilong, singkit na mga mata, at ang kanilang mga bota ay nababalot ng balahibong tinatawag na degtii. Ito ay hinula ni Propeta Muhammad ﷺ daang mga taon bago ang pananakop ng Mongol:
“Ang Oras ay hindi maitatatag [mangyayari] hangga’t sa makipaglaban kayo sa Khudh at Kirman mula sa mga di-Arabe. Sila ay may mga pulang mukha, sarat na ilong at singkit na mga mata , ang kanilang mga mukha ay parang lapad na panangga, at ang kanilang mga bota ay mabalahibo.”
Paligsahan sa Pagtatayo ng mga Matataas na Gusali
“Ngayon, sabihin sa akin ang Huling Oras,” wika ng tao. Ang Propeta ﷺ ay sumagot, “Ang tinatanong ay hindi nakakahigit sa kaalaman ukol dito kaysa sa nagtatanong.” “Kung gayun sabihin sa akin ang tungkol sa mga tanda nito,” wika ng tao. Ang Propeta ﷺ ay sumagot, “Makikita mo ang nakayapak, nakahubad na badong nagpapaligsahan sa pagtatayo ng matataas na mga gusali.”
Tandaan ang detalye sa propesiya: isang tiyak na mga tao [ang mga Badong Arabe sa rehiyon] ay tinukoy. Si Propeta Muhammad ﷺ ay madali na ligtas itong laruin sa pamamagitan ng pangkalahatang kataga kagaya ng “Makikita ninyo ang paligsahan sa pagtatayo ng matataas ng mga gusali…”, na syempre ay mas higit na mahunod para ilapat sa sinuman sa mundo. Ngayon makikita natin sa Peninsula ng Arabya na ang mga Arabe na dating mahihirap na pastol ng kamelyo at tupa ay nagpapaligsahan sa pagtatayo ng mga pinakamatataas na tore ng mga bloke.
Ngayon ang Burj Khalifa sa Dubai ay ang pinakamataas na gusaling gawang-tao sa mundo sa taas na 828 metro. Sa maikling panahon lang ay natapos ito, ang karibal na pamilya sa Saudi Arabia ay nagpahayag na sila ay magtatayo ng isang higit na mataas [1,000 metro] ang Kingdom Tower. Kaya sila ay literal na nagpapaligsahan sa bawat isa kung sino ang makapagtatayo ng pinakamataas na gusali.
Ngayon, ito ay kapansin-pansin na 50 o 60 taon lamang ang lumipas, ang mga tao sa rehiyon ay hirap na magkaroon ng anumang bahay. Sa katunayan, karamihan sa kanila ay mga Bado pa rin, namumuhay sa mga tolda. Ang pagkatuklas ng langis sa ika-20 siglo ang dahilan ng pagbabago ng rehiyon. Kung hindi sa langis, inaasahan na ang rehiyon ay maaaring manatiling tigang na disyerto na kagaya sa panahon ng pagpapahayag ng Qur’an. Kung ito ay isa lamang gawang panghuhula sa kanya, ang pagkatuklas ng langis ay maaaring kumatawan sa isang matinding dagok ng swerte.
Karagdagan pa, kung ang Propeta ﷺ ay nanghuhula lamang, hindi ba’t higit na makatuwiran kung ginawa niyang iugnay sa mga makapangyarihan sa kanyang panahon – Roma at Persia – sila [hindi kagaya ng mga Arabe] na mayroong kakayahan na magtayo ng magarbong gusali at mga palasyo?
Siya ay Nagsasabi ng Katotohanan
Isaalang-alang ang anumang mga natalakay na, ang pinakamakatuwirang konklusyon ay si Propeta Muhammad ﷺ ay nagsasalita ng katotohanan. Ang konklusyong ito ay inulit ng mananalaysay na si Dr. William Draper.
“Apat na taon pagkatapos ng kamatayan ni Justiniano, A.D. 569, isinilang sa Makkah, Saudi Arabia, ang isang tao, sa lahat ng tao, ay nagawa ang pinakamalawak na impluwensiya sa liping tao… Para maging panrelihiyong pinuno ng maraming imperyo, para igabay ang pangaraw-araw na pamumuhay ng ikatlong bahagi ng liping tao, marahil ay maaaring makatarungan ang titulo na sugo ng Diyos.”
Ang mga Aral, Pagkatao at Epekto ng Propeta ﷺ
Ang mga aral ni Muhammad ﷺ gayundin ay hindi gayon sa isang taong hibang o sinungaling. Kabilang sa marami niyang mga aral, siya ay nagturo sa sangkatauhan tungkol sa pagmamahal at awa, kababaang-loob at kapayapaan, pag-ibig at kung paano makinabang at paglingkuran ang iba. Ang katauhan ng Propeta ﷺ ay isang ganap. Naabot niya ang rurok ng mga kabutihan; siya ay mapagmahal, mapagpakumbaba, mapagparaya, makatarungan, at nagpakita ng dakilang pakikipagkapwa-tao, mapagtiis at maka-diyos. Ang kanyang gabay ay may epektong wala pang naunang nagawa sa mundo. Ang malawak na pamumuno ng Propeta ﷺ at kahanga-hangang mga aral sa pagpaparaya, katarungan, kaunlaran at kalayaan sa paniniwala at marami pang bahagi ng buhay ay malakas na nagpapakitang hindi siya hibang; bagkus siya ay taong makatotohanan. Sa ibaba ay ilan sa mga sawikain ni Propeta Muhammad ﷺ.
Awa at Kabaitan
Siyang na Maawain ay naaawa sa kanila na mga maawain [sa iba]. Kaya’t magpakita ng awa sa anumang nasa lupa, sa gayun Siya na nasa langit ay maawa sa iyo.”
“Ang Diyos ay mahabagin at iniibig ang pagkamahabagin.”
“Siya na walang pagkahabag para sa ating mga musmos at hindi gumagalang sa ating matatanda ay hindi kabilang sa atin.”
“Kaawaan nawa ng Diyos ang isang taong mabait kapag siya ay bumibili, kapag siya ay nagbebenta, at kapag siya ay may hinihingi.
Kasapatan at Kabanalan
“Ang kasaganaan ay hindi ang pagkakaroon ng maraming pag-aari. Bagkus, ang tunay na kasaganaan ay kasaganaan ng kaluluwa.”
“Katotohanan, ang Diyos ay hindi tumitingin sa inyong mga katawan o inyong mga hitsura. Bagkus, Siya ay tumitingin sa inyong mga puso at inyong mga gawa.”
“Huwag magsalita ng labis ng walang paggunita sa Diyos. Katiyakan ang labis na pagsasalita ng walang paggunita sa Diyos ay nagpapatigas ng puso. At katiyakan ang pinakamalayong tao sa Diyos ay ang magaspang ang puso.”
Pag-ibig
“Ang lingkod ng Diyos ay hindi naabot ang katiyakan ng pananampalataya hangga’t sa iniibig niya para sa mga tao kung ano ang iniibig niya para sa sariling kabutihan.
“Ibigin para sa mga tao kung ano ang iniibig para sa iyong sarili at ikaw ay magiging isang mananampalataya. Makitungo ng mabuti sa iyong mga kapit-bahay at ikaw ay magiging Muslim.”
“Ang pinakamainam na gawa pagkatapos ng paniniwala sa Diyos ay ang mapagmahal sa mga tao.”
Pamayanan at Kapayapaan
Si Propeta Muhammad ﷺ ay tinanong: “Anong uri ng mga gawa o katangian ng Islam ang mabuti?” Siya ay sumagot: “Magpakain sa mga tao, at batiin ang mga kakilala at yaong mga hindi kakilala.”
“Ang lahat ng tao ay mula kay Adan at Eba, ang Arabe ay hindi nakahihigit sa isang di-Arabe gayundin t ang di-Arabe ay hindi nakahihigit sa isang Arabe, gayundin ang maputi ay hindi nakahihigit sa isang maitim o ang maitim ay hindi nakahihigit sa isang maputi, maliban sa pagkamatuwid at mabuting gawa.”
“Ang mananampalataya ay hindi yaong nagpapakabusog habang ang kanyang kapitbahay ay nagugutom.”
Kawanggawa at Pagkamakatao
“Dalawin ang maysakit, pakainin ang nagugutom at palayain ang mga bihag.”
“Gawing madali ang mga bagay, at huwag itong gawing mahirap, at magbigay ng mabuting balita at huwag gawin na ang mga tao ay magsilayo.
“Ang bawat gawang mabuti ay kawanggawa.”
Pagkatao at mga Pag-uugali
Ang mga mananampalataya na nagpapakita ng ganap na pananampalataya ay yaong mayroong pinakamainam na pagkatao, at ang pinakaminam sa inyo ay ang siyang pinakamabuti sa kanilang mga asawa.”
“[Ang Diyos] ay nagpahayag sa akin na kayo ay nararapat na maging mababaang-loob upang wala ng mang-aapi sa iba.”
“Siyang tunay na naniniwala sa Diyos at sa Huling Araw ay nararapat magsalita ng mabuti o manahimik.”
“Ang pinakamainam sa inyo ay siyang may pinakamabuting pag-uugali.”
Kapaligiran at mga Hayop
“Kung ang isang Muslim ay magtanim ng puno at magpunla ng mga binhi, at pagkatapos ang mga ibon, o mga tao o ang hayop ay kumain mula dito, ito ay maituturing na isang kawanggawa [sadaqah] para sa kanya.”
“Ang pagtatanggal ng nakakapinsalang mga bagay sa daan ay isang gawaing kawanggawa.”
“Sinuman ang pumatay ng isang pipit o anumang bagay na malaki pa riyan ng walang makatarungan dahilan, ang Diyos ay pananagutin siya sa Araw ng Paghuhukom.”
Ang Epekto ni Muhammad ﷺ sa Mundo
Si Propeta Muhammad ﷺ ay tunay nga na isang habag sa sangkatauhan. Ang pahayag na ito ay hindi lamang binigyang katarungan ng kanyang mensahe at kanyang mga aral, bagkus kabilang rin dito ang kanyang epekto sa ating mundo na wala pang naunang nakagagawa nito. Mayroong dalawang pangunahing dahilan kung bakit ang kanyang mga aral sa panlipunang antas ay nakapagpapabago: ang katarungan at habag ng Islam.
Ang habag at katarungan ang pinakasentrong katangian nito, na ipinadarama sa pamamagitan ng isang taus-pusong paniniwala sa pag-iral at pagsamba sa isang Diyos. Sa pamamagitan ng pagbubukod-tangi sa Kanya sa pagsamba at kamalayan sa kanyang pananagutan, ang isang Muslim ay hinihikayat kumilos ng mahabagin, patas at makatarungan. Ang Qur’an ay malinaw na nagpahayag sa bagay na ito:
“O mga sumampalataya kayo ay maging mga tagapagtaguyod para kay Allah, mga saksi sa katarungan. Huwag nga mag-uudyok sa inyo ang pagkasuklam sa ilang tao upang hindi kayo maging makatarungan. Maging makatarungan, sapagkat ito ay pinakamalapit sa pagkatakot sa Diyos. Mangilag kayong magkasala kay Allah; tunay na si Allah ay Nakababatid sa anumang ginagawa ninyo.” [Maluwalhating Qur’an 5:8]
“O mga sumampalataya, maging mga tagapagtaguyod ng katarungan, mga sasaksi para kay Allah kahit pa man laban sa mga sarili ninyo o sa mga magulang o sa mga napakalapit na kaanak. Kung maging mayaman man o mahirap, si Allah ay higit na tagapagtangkilik sa kanilang dalawa. Kaya huwag ninyong sundin ang nasa nang hindi kayo lumihis sa katarungan. Kung babaluktutin ninyo ang pagsasaksi o lalayuan ninyo ay tunay na si Allah, sa anumang ginagawa niyo, ay laging Nakababatid.” [Maluwalhating Qur’an 4:135]
“Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang matarik na daan? Ito ay pagpapalaya sa isang alipin, o pagpapakain sa isang araw na may taggutom: sa isang ulilang may malapit na kaugnayan, o sa isang dukhang may paghihikahos, pagkatapos ay naging kabilang pa sa mga sumampalataya at naghihikayat sa pagtitiis at sa pagkaawa.” [Maluwalhating Qur’an 90:12-17]
Konklusyon
Ang pangunahing dahilan na si Propeta Muhammad ﷺ ay nagawang tuwirang naimpluwensyahan ang ganyang mapagparaya at mapagmalasakit na mga pamayanan ay dahil sa pagpapatunay sa Kaisahan ng Diyos, kaluguran at sambahin Siya, ay ang batayang espiritwal at moral sa kanyang buhay at buhay ng mga nagmamahal at sumusunod sa kanya.
Ang katapatan ni Propeta Muhammad ﷺ, mataas na moral ng pagkatao at ang epekto niya sa mundo na nagtatag ng isang malakas katibayan sa kanyang pagiging pangwakas na sugo ng Diyos. Pag-aralan ang kanyang buhay at unawain ang kanyang mga aral sa pangkalahatan at maingat na pamamaraan ay mag-aakay sa tanging isang konklusyon: siya ay habag para sa mundo at ang isa na pinili ng Diyos para igabay ang mundo sa Banal na patnubay at liwanag.