Home Pangunahin Islam Ang Iyong Madaling Gabay Para Matutunan Ang Islam Para Sa Mga Baguhan

Ang Iyong Madaling Gabay Para Matutunan Ang Islam Para Sa Mga Baguhan

Islam-at-Muslim

Islam ang pinakamabilis lumagong relihiyon sa mundo. Mayroong halos 2 bilyong mga Muslim sa planeta. Gayunpaman, maraming tao ang hindi gaanong batid ang tungkol sa Islam. Ang mga sumusunod ay ilan sa pinakamadalas itanong na mga katanungang mayroon ang mga tao tungkol sa kung ano ang pinaniniwalaan ng mga Muslim at kung paano natin isinasabuhay ang ating relihiyon.

Ano Ang Islam?

Ang Islam ay isang katagang Arabe na nangangahulugang pagsuko. Sa konsteksto, ang Islam ay nangangahulugang pagsuko sa kalooban ng Diyos sa kaparaanan Niya. Sa pamamagitan ng simpleng pakahulugang ito, makikita natin na ang lahat ng santinakpan, mga planeta, mga puno, at mga hayop, lahat ay nasa kalagayang Islam; pagsuko sa kalooban ng Diyos, dahil silang lahat ay sumusunod sa likas na mga batas na nilikha ng Diyos para sa kanila.

Ang mga tao ay natatangi dahil tayo ay makakapili kung susunod o hindi sa mga kautusan ng Diyos.

Ang Islam ay hindi pangalang hango sa isang natatanging tao kagaya ng katayuan ng Kristiyanismo o Budismo o ito ay ipinangalan mula sa isang grupo ng mga tao kagaya ng Hinduismo o Judaismo. Ang Islam ay dalisay at payak na pamumuhay ayon sa kung ano ang nais ng Diyos. Kung kaya ang Islam ay higit pa sa relihiyon, ito ay pamamaraan ng buhay.

Sino ang Muslim?

Ang isang Muslim ay ang siyang sumusunod sa Islam. Sa wikang Arabe, sa paglalagay ng “mu” sa umpisa ng kataga ay kagaya ng pagdurugtong ng “mag” o “mang” sa umpisa ng kataga sa Tagalog. Halimbawa, sa Tagalog ang isang nagsasaka ay isang magsasaka, ang isang gumagawa ay isang manggagawa, at ang isang nangingisda ay mangingisda. Kagaya sa Arabe, ang isang nagsasabuhay ng Islam ay isang Muslim.

Sino si Allah?

Ang “Allah” ay ang katagang Arabe na itinatawag sa Tunay na Nag-iisang Diyos. Ito ay parehong pangalang ginagamit para sa Diyos ng mga Hudyo at mga Kristiyanong ang wika ay Arabe. Si Allah ay Nag-iisa na walang mga katambal. Siya ang walang hanggang Tagapaglikha ng lahat ng bagay na umiiral. Siya ay walang mga anak at hindi Siya anak ninuman. Siya ay hindi isang espiritu o isang tao o isang bola ng enerhiya o anumang kagaya nito. Walang anumang maihahalintulad kay Allah.

Sino si Propeta Muhammad ﷺ?

Si Muhammad [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya] ay isinilang sa Arabeng lungsod ng Makkah sa taong 570. Mula sa kanyang kabataan, siya ay kilala bilang pinakatapat at mapagkakatiwalaang tao. Bagamat siya ay namuhay sa isang kultura ng pagsamba sa idolo, batid niya sa kanyang puso na mayroon lamang tanging isang Diyos. Sa edad na 40, ang Diyos ay pinili si Muhammad ﷺ na maging isang propeta para ihatid ang mensahe ng kalooban ng Diyos para sa mga tao. Ang kanyang misyon ay natatanging mahalaga dahil pagkatapos niya ay wala nang ibang propeta ang darating pa.

Si Muhammad ﷺ ang pinakahuli at pangwakas na sugo ng Diyos. Siya ang huli sa isang mahabang kawin ng mga propeta, marami sa kanila ay kilala mula sa tradisyong Kristiyano at Hudyo kagaya ni Adan, Noe, Abraham, Hakob, Moises, David, Solomon, Juan Bautista, at Hesus [sumakanilang lahat ang kapayapaan].

Sa buong 23 taon ng kanyang pagkapropeta sa harap ng kahirapan at kalaban, si Muhammad ﷺ ay nagsikap na ipahayag ang banal na utos sa kanyang mga tagasunod.

Ano Ang Qur’an?

Ang Qur’an ay literal na salita ng Diyos na ipinagkaloob kay Muhammad ﷺ ng baha-bahagi sa buong panahon ng kanyang pagkapropeta. Ang Qur’an ay huli at pangwakas na kapahayagan ng Diyos para sa sangkatauhan na naglalaman ng gabay para sa bawat aspeto ng buhay. Sa kasaysayan ng tao, maraming mga propeta ang ipinadala para ihatid ang ipinahayag na mga mensahe sa mga tao. Sa mga henerasyon, gayunman, ang mga tao ay binago at pinalitan ang mga mensaheng ibinigay sa kanila, dinagdagan ito o binawasan mula sa orihinal na ipinahayag hanggang sa punto na ang orihinal na mensahe ay nawala na. Sa kalaunan, panibagong propeta ang darating para itama ang naunang mensahe. Ang lahat ng naunang mga mensahe ay iniwan sa kanilang mga tao para ingatan, ngunit dahil ang Qur’an ay ang pangwakas na mensahe, ang Diyos mismo ay tiniyak na iingatan ito.

Ang mga kasamahan ni Muhammad ﷺ ay isinaulo at itinala ang mga salita ng Qur’an kagaya kung paano ito binigkas. Ang Qur’an ay nanatiling hindi nabago ang mga titik simula pa ng ito ay ipinahayag mahigit 1400 na taong nakalipas.

Ano Ang Mga Hadith?

Ang Hadith ay isang tinipon ng mga itinalang gawa, sawikain ni Propeta Muhammad ﷺ. Ito nagpapakita ng halimbawa ni Propeta Muhammad ﷺ, sa paraang namuhay siya mula sa pangkalahatang pagkatao hanggang sa pinakamaliit na detalye ng kanyang mga gawa gayundin ang mga bagay na sinabi niya kagaya ng payong paalaala o pagpapaliwanag ng Qur’an. Sa pangkalahatan, ang kaalaman na nakuha natin mula sa mga Hadith ay binuo ang Sunnah [tradisyon ni Propeta Muhammad ﷺ] na lahat ng mga Muslim ay hangaring sundan.

Paano Ipamuhay Ang Iyong Buhay Ayon sa Kalooban ng Diyos?

Ito ay napakalaking katanungan ngunit salamat ang kasagutan ay talagang napakadali:

BASAHIN ANG QUR’AN!

Load More Related Articles
Comments are closed.

Check Also

Bakit Sasambahin Ang Diyos?

Kapag nakamalas tayo ng kakaibang pagpapakita ng kakayahan ng isa sa ating mga bayani sa p…