Home Mga Tanong Pag-aasawa Nobyo at Nobya: Bakit Mag-aasawa Pa?

Nobyo at Nobya: Bakit Mag-aasawa Pa?

Nobyo at Nobya: Bakit Mag-aasawa Pa?

Bakit ang Islam ay salungat sa relasyon na labas sa pag-aasawa? Paano tinitingnan ng Islam ang pag-aasawa kumpara sa hindi legal na pagsasama? Bakit hindi ka pwedeng magkaroon ng nobyo o nobya?


Paano tinitingnan ng Islam ang pag-aasawa bilang sumasalungat ng pagsasama na walang kasal? Bakit ang Islam sumasalungat sa pagkakaroon ng mga nobyo at nobya?

Ang Islam sa kabuuan ay para sa “Karapatan”. Ang lahat ay may karapatan; kalalakihan, kababaihan, mga magulang, mga anak at syempre, si Allah at Kanyang Propeta ﷺ, ay may “Karapatan” din.

Ang kasalungat ng pagbibigay sa tao ng kanilang “Karapatan” [Haqq], ay “Pang-aapi” o “maling-gawa” [Dhulm].

At si Allah ay nagsabi ng paulit-ulit sa Qur’an:

“Katotohanan, si Allah ay hindi minamahal ang ‘Dhalimun’ [mga gumagawa ng mali]”

Ito ay Karapatan ni Allah na dapat sundin ng mga sumasamba sa Kanya. Karapatan ng Propeta ﷺ na sundin ng kanyang tagasunod, karapatan ng Qur’an na basahin ito, nauunawaan at nasusundan ba — Ito ang mga pangunahing “karapatan” ng pinakamahahalagang bagay sa Islam.

Kung pupunta tayo sa “Karapatang pang-tao” ng Islam, ay matutuklasan natin na ito ay walang “kinikilingan” na kadalasan ay nangyayari sa mga gawang-tao na mga batas at panuntunan. Hindi katanggap-tanggap sa Islam para sa isang tao na makamit ang kasiyahan kapalit ng sakripisyo at pagkalugi ng iba.

Kapag ginamit natin ang panuntunang ito sa “pag-aasawa” ay matatagpuan natin na ang lalaki ay walang mga Karapatan sa kasunduan ng kasal, na katulad ng sa babae. Subalit hindi ito natatapos dito. Ang mga anak ay may Karapatan din. Sila ay may Karapatan na alagaan ng kanilang mga magulang at Karapatan na lumaking kasama nila, ang Karapatan na arugain nila at ang mga magulang ay may Karapatan sa kanilang pagtanda na alagaan ng kanilang mga anak at kapag sila’y namatay ang mga anak ay may Karapatan na magmana mula sa kanila kapag sila ay namayapa na.

Ang pag-aasawa sa Islam ay hinahangad na pangalagaan ito at ang iba pang mahahalagang Karapatan.
Ang Nobyo, Nobya na relasyon ay hinahadlangan ang mga tao ng kanilang mga karapatan at sanhi ng mga malulubhang “Dhulm” sa maraming tao. Pagkasira ng pagkabirhen sa ganung relasyon ay agarang apektado ang darating na relasyon sa pag-aasawa. Paghihinala, alinlangan at alalahanin ay dulot ng pagkatuklas o pag-aalinlangan sa katapatan ng isang asawa ay maaaring manatili sa pagsasama ng mag-asawa.

Walang katiyakan sa magulang ng bata ay magdudulot ng agarang pagkawala ng karapatan. Mga anak na isinilang sa labas ng bigkis ng kasal ay may suliranin sa lipunan at madalas na naaabuso at napagkakaitan ng mga karapatan. Ang mana ay isa lamang sa maraming karapatan nawawala sa mga anak ng “relasyon” sa labas ng kasal.

Ang ama ng bata ay maaaring hindi man lang alam na mayroon siyang anak o may alinlangan kung sa kanya nga ba ang bata. Ang pang-araw na mga programa sa TV ay nakakaakit ng maraming manonood sa pamamagitan ng paglalagay ng ganitong uri ng katanungan pangmagulang na ihinahatid sa mga tao sa kanilang mga palabas at pagkatapos ay ibubunyag ang “tunay na ama” ng bata. Ganunpaman ang ganitong uri ng mga programa ay napakaHaram sa kadahilanang ang pagsisiwalat ng mga kamalian ng tao at pagmamaliit sa napakasamang kasalanan at maling gawa.

Ang mga Lolo’t lola ay napagkakaitan na makilala ang kanilang mga apo o kadalasan ay kailangan pang pumunta sa hukoman para lang makita sila. Ang mga bata ay kadalasan ay hindi nakita o nakikilala man lang ang kanilang mga lolo’t lola.

Ang mga karamdaman ay isa pang pangkaraniwan sa ganitong mga uri ng “relasyon”.
Ang talaan ay tuloy-tuloy…

Sheikh Yusuf Estes

Load More Related Articles
Comments are closed.

Check Also

Bakit Sasambahin Ang Diyos?

Kapag nakamalas tayo ng kakaibang pagpapakita ng kakayahan ng isa sa ating mga bayani sa p…