Basahin ang kamangha-manghang artikulo na ito ukol sa mga sanggol kung sila ba ay isinilang na naniniwala sa Diyos mula sa isang di-Muslim na siyentipiko, Dr. Barrett at pagkatapos ay pag-isipan ang tungkol sa itinuturo ng Islam sa paksang ito.
Totoo ba na sila ay isinilang na naniniwala sa Diyos?
“Ang mga bata ay isinilang na naniniwala sa Diyos.” — sinabi ng pantas.
Ang mga bata ay isinilang na naniniwala sa Diyos at hindi lamang nag-aangkin ng mga paniniwalang pangrelihiyon sa pamamagitan ng pangangaral ng doktrina, ayon sa isang akademiko.
Si Dr. Barrett ay nagsabi: “Kapag ipinatapon natin ang ilang [kabataan] sa isang pulo at sila’y lumaki sa kanilang sarili lamang sa palagay ko ay maniniwala sila sa Diyos.”
Si Dr. Justin Barrett, isang nakakataas na mananaliksik sa ‘Centre for Anthropology and Mind’ ng Unibersidad ng Oxford, ay nagpahayag na ang mga kabataan ay naglalantad ng likas na paniniwala sa isang makapangyarihang umiiral dahil sa kanilang palagay na ang lahat sa mundo ay nilikha nang may kadahilanan.
Sinasabi niya ang mga kabataan ay may pananampalataya kahit pa hindi sila tinuruan tungkol dito ng pamilya o sa paaralan, at naninindigan na kahit pa yaong mga lumaking nag-iisa sa isang liblib na pulo ay lalabas na maniniwala sa Diyos.
“Ang pananaig ng siyentipikong katibayan sa nakalipas na 10 taon o higit pa ay nagpapakita na marami pang kailangang buoin para sa likas na pagpapalago ng kaisipan ng mga bata kaysa minsan na nating inisip, kasama ang paglalantad upang makita ang likas na mundo ayon sa dinisenyo at nilayon at may isang matalinong umiiral na nasa likod ng layuning yaon,” sinabi niya sa programang BBC Radio 4’s Today.
“Kapag ipinatapon natin ang ilan sa isang pulo at sila’y lumaki sa kanilang mga sarili sa palagay ko sila ay maniniwala sa Diyos.”
Sa panayam na isasagawa sa Faraday Institute sa Unibersidad ng Cambridge, si Dr. Barrett ay magpapakita ng mga eksperimentong pangkaisipan na isinagawa sa mga bata na sinabi niyang nagpapakitang sila ay likas na naniniwala na halos lahat ng mga bagay ay hinubog sa isang tukoy na layunin.
Sa isang pag-aaral, mga anim at pitong taong gulang ay tinanong bakit ang unang ibon ay umiral ang sagot “para lumikha ng kaaya-ayang awitin” at “dahil ginagawa nitong kaaya-aya sa paningin ang mundo”.
Isa pang eksperimento sa 12 buwang mga sanggol ay nagmungkahing sila ay nagulat sa isang panoorin na kung saan ang isang gumugulong na bola ay tila lumikha ng isang maayos na salansan ng mga bloke mula sa walang kaayusang bunton.
Si Dr. Barrett ay nagsabi na mayroong patunay na kahit sa edad na apat, ang mga bata ay nauunawaang kahit pa ang ilang mga bagay ay gawa ng mga tao, ang likas na mundo ay kakaiba.
Dagdag pa niya na ito ay nangangahulugang ang mga bata ay higit na naniniwala sa kalikhaan kaysa sa ebolusyon, sa kabila ng kung anong maaaring sinabi ng kanilang mga magulang o mga guro.
Si Dr. Barrett ay nagsabi na ang mga antropologo ay natagpuan sa ilang mga kultura ang mga bata ay naniniwala sa Diyos kahit pa ang mga katuruang pangrelihiyon ay ipinagkait sa kanila.
“Ang mga bata ay karaniwan at likas ang lumalagong kaisipan ay ginagawa silang malapit sa paniniwala sa banal na paglikha at napakatalinong disenyo. Sa kabilang banda, ang ebolusyon ay hindi likas para sa isipan ng tao; medyo mahirap na paniwalaan.”
Ano ang Katotohanan sa Islam?
Ang Propeta Muhammad, sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya, ay nagsabi:
“Ang bawat bata ay isinilang sa fitrah [likas na paniniwala] sa Islam [mapayapang pagsuko sa Diyos] at ang mga magulang nila nagpalaki sa kanila para maging Hudyo, Kristiyano o sumasamba sa apoy.”