Home Pangunahin Hesus sa Biblia Ano ang paniniwala ng mga Muslim kay Hesus na Anak ni Maria?

Ano ang paniniwala ng mga Muslim kay Hesus na Anak ni Maria?

Ang Tunay na paniniwala kay Hesus at kay Maria

Sino si Hesus na Anak ni Maria sa Islam?

May magkakaibang paniniwala kay Hesus ang mga tao ng ibat-ibang mga paniniwala. Marami ang naniniwala na siya ay Diyos o anak ng Diyos. Ang iba naman ay naniniwala lang na siya ay napakatalinong tao. Ang iba naman ay hindi kinikilala si Hesus, pangrelihiyon o sa kasaysayan man.

Si Hesus sa Islam

Ang Islamikong pananaw patungkol kay Hesus ay nagmula sa Qur’an, ang huling kapahayagan ng Diyos na naingatan sa orihinal na anyo, na dito ang Diyos inihatid ang kasaysayan ni Hesus ng napakadetalyado. Ang Qur’an ay nagpahayag na si Hesus ay nagsabi,

“Ako ay lingkod ng Diyos. Binigyan Niya ako ng Kapahayagan at ginawa Niya akong propeta.” [Maluwalhating Qur’an 19:30]

Ang talatang ito ay binuod ang katotohanan ni Hesus ayon sa Islamikong mga aral.

Ang mga Muslim ay naniniwala na si Hesus ay taong nilikha na itinalaga ng Diyos bilang Kanyang sugo. Ang kanyang pagsilang ay kakaiba at siya ay biniyayaan ng mga dakilang himala mula sa Diyos (Allah). Ang mahalaga, ang Diyos ay pinili si Hesus para ihatid ang parehong nagkakaisang mensahe na dinala ng nakalipas na mga propeta para sa sangkatauhan: upang sambahin ang Iisang Diyos at gabayan sa matuwid na buhay para makamit ang kaligtasan sa buhay na walang hanggan pagkatapos ng kamatayan.

Si Hesus ay nabuhay noong nakalipas na 2,000 taon sa sinaunang Palestina noong ang Imperyong Romano ay nasa tugatog. Hindi siya ipinagbuntis na pangkaraniwan, datapwat siya ay inilagay sa sinapupunan ng isang dalaga na ang pangalan ay Maria sa pamamagitan ng utos ng Diyos. Nangangahulugang si Hesus ay “salita” mula sa Diyos at isang espesyal na tanda para sa sangkatauhan. Ang katunayan, siya ang huli sa mahabang hanay ng mga sugo na ipinadala sa mga Hudyo.

Maria, Ang Pinagpala

Si Maria ay matuwid na babae na ang kanyang ina ay inialay siya bilang lingkod ng Diyos kahit bago paman siya isinilang. Sa kanyang kabataan, siya ay namuhay na kahanga-hangang buhay na tatak ng maayos na kalusugan at pagkamakadiyos. Siya ay pinalaki ng matuwid na si Zakariya, na nagtanim sa kanya ng magandang kahulugan ng paniniwala sa Diyos. Bilang dalaga, si Maria ay naghangad pang higit na dalisayin ang kanyang sarili para sa kanyang Panginoon. Siya ay lumayo sa mga tao at nagtungo sa isang santuwaryo sa silangan, na dito siya ay nagninilay-nilay na nag-iisa at payapa. (Magbasa ng karagdagan: Maria, ang Ina ni Hesus)

maria

Sa loob ng panahong ito, isang araw na katulad ng pangkaraniwan, ang anghel Gabriel ay dinalaw siya sa anyong lalaki. Dahil sa takot sa isang estranghero, si Maria ay nagdasal para magpakupkop. Inalo niya siya at sinabing ipinadala siya ng Diyos upang ipagbadya ang mabuting balita ng dalisay na anak na lalaki. Siya ay nagtaka, ang tinanong ni Maria kung paano ito mangyayari samantalang walang lalaki na nakahawak sa kanya kailanman. Si Gabriel ay sumagot,

“Ganyan ang Diyos [Allah]; nililikha Niya ang [anuman] Kanyang nais. Kapag Kanyang itinakda ang isang bagay, ay Kanya lamang sasabihin, ‘Maging,’ at magaganap na.” [Maluwalhating Qur’an 3:47]

Nang maramdaman niya ang sanggol sa kanyang sinapupunan, si Maria ay umalis sa kanyang sangtuwaryo, natatakot sa gagawin o sasabihin ng mga tao kapag nalaman nila ito. Sa kanyang pagkabalisa, siya ay umiyak,

“..Sana’y namatay na lang ako bago pa man [nangyari] ito at ako ay nabaon na sa limot!” [Maluwalhating Qur’an 19:23].

Ang anghel Gabriel ay tiniyak sa kanya ang mga biyaya ng Diyos at nakatagpo siya ng lilim at malamig na bukal. Sa ilalim ng punong datiles sa huling panahon ng tag-init, at gumawa siya ng silungan, at doon siya nagsilang ng sanggol na walang katulad sa kasaysayan ng tao. At pagkatapos nito, isinalaysay ng Qur’an na si Maria ay bumalik sa kanyang kumonidad karga ang bata na tatawaging

“…Mesias, Hesus anak ni Maria…” [Maluwalhating Qur’an 3:45]

Nang makita ng mga tao ang bata na kanyang karga, hindi sila makapaniwala sa kanilang nakita. Inakusahan siya na isang maruming babae at sinabing sinira niya ang pangalan at reputasyon ng kanyang pamilya. Si Gabriel ay binigyan siya ng tagubilin na huwag makipag-usap [Maluwalhating Qur’an 19:26]. Kung kaya si Maria ay itinuro na lamang ang bata.

Himala at Mensahe ni Hesus

Ang Diyos ay binigyan ng maraming mga himala si Hesus na nagsimula ng siya ay ipinanganak. Ang Qur’an ay nagpatunay na bilang pagtatanggol sa kanyang ina at ng katotohanan, si Hesus ay nagsalita na isang sanggol pa lamang, nagsasabing,

“Katotohanan, ako ay lingkod ni Allah. Pinagkalooban Niya ako ng Kapahayagan at ginawa Niya akong propeta. At biniyayaan Niya ako saan man ako magpunta at inutusan akong itayo ang pagdarasal at magbigay ng kawanggawa habang ako’y nabubuhay.” [Maluwalhating Qur’an 19:30-31]

Ang mahimalang salita na ito ay nagpatahimik sa mga naninira.

Sa panahong ng kanyang kabataan, si Hesus ay nanatiling masunurin sa kanyang ina at mabilis na lumaking matalino at debosyon. Napamangha niya ang marurunong at hinangaan ng husto ng kanyang mga kasamahan. Si Hesus ay nag-akin na tanda ng Diyos at Sugo para sa mga Hudyo.

Nang siya ay dumating sa tamang edad, si Hesus ay naglakbay at nangaral sa buong kalupaan ng Palestina. Itinuro niya ang kapahayagan ng Diyos na ipinadala sa kanya, na kilala bilang Injeel (Mabuting Balita o Ebanghelyo), na nagpatotoo sa mga naunang mga banal na aklat.

Old bibleSi Hesus ay nagturo na ang pag-ibig at awa ay mapangingibabawan ang suklam at galit. Binigyang-diin niya na ang tanging tunay at dalisay na pananampalataya sa Tagapaglikha at pagsunod sa Kanya ang magdadala sa tao sa kaligtasan sa buhay na ito at sa kabilang-buhay. Upang patotohanan ang kanyang mensahe, ang Diyos ay pinagkalooban siya ng kakayahan gumawa ng mga himala. Pinagaling niya ang may sakit, tinulungan ang nangangailangan at bumuhay ng patay. Lahat ng mga himalang ito ay nangyari sa pahintulot ng Diyos, at si Hesus ay hindi kailanman inangking sa kanyang sarili ang kaluwalhatian dito. Ayon sa Qur’an, si Hesus ay nagsabi:

“…Katotohanan, ako ay dumating sa inyo na may dalang tanda mula sa inyong Panginoon at ako ay humubog mula sa putik ng ibon at pagkatapos ay hiningahan ko ito at naging [tunay na] ibon sa pahintulot ng Diyos. Pinagaling ko ang bulag [na ipinanganak] at ang may ketong, at binigyan ko ng buhay ang patay – sa pahintulot ng Diyos. At sasabihin ko sa inyo kung ano ang inyong kakainin at kung ano ang inyong inimbak sa inyong mga bahay. Katotohanan ito ay tanda para sa inyo, kung kayo ay mga mananampalataya. At ako ay dumating upang patotohanan ang mga nauna bago pa ako ang Tawrah at ipahintulot sa inyo ang ilan sa mga ipinagbawal sa inyo. At ako ay dumating sa inyo na may tanda mula sa inyong Panginoon, kaya’t matakot sa Diyos, at sundin ako. Katotohanan, si Allah ang aking Panginoon at inyong Panginoon, kaya’t sambahin Siya. Ito ang matuwid na landas.” [Maluwalhating Qur’an 3:49-51]

Si Hesus ay namuhay ng matuwid at simpleng pamumuhay, na nag-akit sa panloob na lupon ng mga tapat na tagasunod na nakinig sa kanyang mga aral ng maalab at may kababaang-loob. Ang mga disipulong ito ay kinabibilangan ni Pedro, Barnabas, Juan, na tumulong sa pagpapalaganap ng mensahe ni Hesus na ganap na pagsuko sa Nag-iisang Diyos. (Magdagdag ng kaalaman: Hesus, Lingkod ng Diyos)

Pagbabalik ni JesusPagsubok sa Hangarin

Habang ang mensahe ni Hesus ay nagsisimulang umani ng malawak na pagtanggap, isang maliit na grupo ng mga mapagkunwari at makasariling mga tao ay nagsimulang gumawa ng mga pakana laban sa kanya. Sila ay ang mga kaparian at mga pinuno ng mga Hudyo, na ang katayuan at yaman ay nakasalalay sa kanilang posisyon bilang tanging tagapagbigay ng kahulugan ng relihiyon sa mga tao. Inusig nila siya at kanyang mga tagasunod, at nagpakana na ipako siya sa krus ng mga Romano. Sila ay nakatiyak na napatay siya, subalit ang Diyos ay iningatan si Hesus, iniligtas siya mula sa kanilang mga pakana at itinaas siya doon sa Kanya. Ang Diyos ay nagpahayag sa Qur’an,

“At sa kanilang sinasabi, ‘Katiyakan, aming napatay ang Mesias, Hesus, ang anak ni Maria.’ Subalit hindi nila napatay siya, o naipako man; bagkus [may ibang] ginawang kamukha niya sa kanila. At katotohanan, sila ay nagtatalo ukol dito at puno ng alinlangan. Wala silang kaalam-alam [sa mga pangyayari] dito maliban sa mga haka-haka. At hindi nila napatay siya, katiyakan. Bagkus, si Allah ay kinuha siya [at dinala] doon sa Kanya. At si Allah ang Kataas-taasan at ang Matalino.” [Maluwalhating Qur’an 4:157-158]

Magkagayun, ang Islam ay nagtuturo na ang Diyos ay iniligtas si Hesus sa pamamagitan ng pagkuha sa kanya dito sa mundo. Ang Diyos ay itinaas siya sa kalangitan, sa lugar na malapit sa Kanya, at siya ay muling pababalikin dito sa mundo sa huling panahon.

Nang ang kanilang sugo ay nawala, ang matatapat na tagasunod ni Hesus ay sinubukang panatilihin ang dalisay at maliwanag na mga aral niya. Datapwat, sa mga sumunod na mga siglo, ibat-ibang mga paniniwala kay Hesus ay umusbong sa loob ng ilang mga naunang Kristiyano. Kanilang pinanghawakan na siya ay banal, tinawag siyang anak ng Diyos, na kalaunan ay sila ang namayani sa paniniwalang Kristiyano. Sa kabaliktaran, ang iba ay nanatili na siya ay hindi literal na anak ng Diyos o Diyos mismo, bagkus sugo na ipinadala ng Diyos upang igabay ang kanyang mga tao katulad ng ibang mga propeta bago pa siya. (Tingnan: Sino si Hesus ayon kay Hesus?)

“Yaong si Hesus, anak ni Maria – ang salita ng katotohanan na kanilang pinagtatalunan. Hindi [angkop] kay Allah na kumuha ng anak; kaluwalhatian sa Kanya! Kapag Siya ay magtatakda ng isang bagay, Kanya lamang sasabihin dito, ‘Maging,’ at magaganap na.” [Maluwalhating Qur’an 19:34-35]

Pagpapanatili sa Pamana ni Hesus

Ang mga Muslim ay naniniwala na ang bawat nasyon ay tumanggap ng sugo mula sa Diyos. Katulad ng mga propeta na nauna sa kanya, ang mensahe ni Hesus ay tumagal sa dalisay na kalagayan sa loob lamang ng ilang panahon, ang kanyang kapahayagan na tinanggap ay unti-unting napapalitan at ang kanyang orihinal na pagtawag sa monotismo ay nasira.

Si Jesus ay Isang PropetaAnim na siglo pagkatapos ni Hesus, ang Diyos ay nagpadala ng Kanyang huling sugo, si Muhammad ﷺ, at ipinahayag ang Kanyang huling kapahayagan, na kilala bilang Qur’an. Si Propeta Muhammad ﷺ ay ipinadala sa lahat ng sangkatauhan at kanyang pinatutuhanan ang mahimalang pagsilang ni Hesus, ang mga himala na kanyang ginawa at ang talagang katotohanan ng mensahe na pinili ng Diyos na ipahayag sa pamamagitan ni Hesus.

Ang Qur’an ay napanatili sa kanyang orihinal na anyo sa nakalipas na mahigit 14 na siglo. Sa pamamagitan ng huling kapahayagan na ito, ang Diyos ay iningatan ang Kanyang patnubay sa buong sangkatauhan, na naglalaman ng parehong buod ng mensahe na ipinadala sa lahat ng mga propeta at mga sugo ng Nag-iisang Diyos, kasama na si Hesus, Moises, Abraham, Noe, sumakanilang lahat ang kapayapaan. Ayon sa Qur’an, si Hesus mismo ay tinapos ang mga maling paratang sa kanyang pagkatao:

“Hindi ko sinabi sa kanila maliban sa ipinag-utos Mo sa akin – na sambahin si Allah, ang aking Panginoon at inyong Panginoon. At ako ay saksi sa kanila habang ako ay kasama nila; subalit ng ako ay kunin mo, Ikaw ay Tagapagmasid sa kanila, at Ikaw sa lahat bagay ay Saksi.” [Maluwalhating Qur’an 5:117]

Ngayon, ang mga Muslim ay naghahangad na sundin ang orihinal na mensahe ni Hesus at lahat ng mga propeta bago pa siya bilang pagpapatotoo ng huling sugo ng Diyos, si Muhammad ﷺ. Ang Islam ay nangangahulugan ng ‘pagsuko’ sa Diyos at katulad ng paraan ng pamumuhay ng lahat ng mga sugo ng Diyos. Sa pamamagitan lamang ng pagsunod sa orihinal na pag-anyaya ng mga sugo ng Diyos ay matatagpuan natin ang maliwanag na landas at kapanatagan sa ating pamumuhay.

Load More Related Articles
Comments are closed.

Check Also

Bakit Sasambahin Ang Diyos?

Kapag nakamalas tayo ng kakaibang pagpapakita ng kakayahan ng isa sa ating mga bayani sa p…