Maalab
Isang Hamon mula sa Qur’an na pabulaanan ito. Paano? Sinasabi na ang mga tao ay hindi makapagsusulat ng katulad nito kahit pagsama-samahin pang lahat ang kanilang lakas at mga kayamanan at hingin ang tulong ng mga engkanto. Ang Qur’an ay sinabi na ito, labing apat na raang taon ang nakalipas subalit walang kahit isang nakapag-pabula dito. Bilyon-bilyong mga aklat ang naisulat – subalit walang katulad ng Qur’an.
Hindi Masisira
Ito lamang ang tanging sagradong pangrelihiyon na panulat na kumakalat sa napakahabang panahon subalit nananatiling dalisay na katulad ng sa simula. Ang Qur’an ay napanatilling buo. Walang naidagdag dito; walang nabago dito; at walang binawas dito simula pa ng ipahayag itong ganap na 1400 taon ang nakalipas.
Hindi Malalampasan
Ang Qur’an ay panghuling kapahayagan ng Diyos sa sangkatauhan. Ang Diyos ay ipinahayag ang Tora kay Moises, ang Salmo kay David, ang Ebanghelyo kay Hesus, at sa huli ang Qur’an kay Muhammad. Sumakanilang lahat ang kapayapaan. Walang ibang aklat na manggagaling sa Diyos ang malalampasan ang Kanyang panghuling kapahayagan.
Hindi Matatalo
Ang Qur’an ay nalagpasan ang pagsubok ng panahon at pagbusisi. Walang isaman na makakahamon sa katotohanan ng aklat na ito. Ito ay nagsasaysay ng nakaraang kasaysayan at napatunayang totoo. Ito ay nagsasalita ng tungkol sa hinaharap ng mga propesiya at napatunayang totoo. Ito ay nagbanggit ng mga detalye ng pisikal na pangyayari na hindi alam sa mga tao sa panahon na yaon; at kalaunan ang makaagham na mga tuklas ay pinatunayan na ang Qur’an ay tama. Ang bawat ibang aklat ay nangangailangan na irebesa para makahabol sa makabagong kaalaman. Ang Qur’an lamang ay hindi kailanman sinalungat ng makabagong mga tuklas.
Ang Iyong Mapa ng Daan para sa Buhay at Kabilang-buhay
Ang Qur’an ang pinakamainam na aklat ng gabay kung paano itayo ang iyong buhay. Walang ibang aklat ang naghahayag ng katulad na malawak na sistema na sakop ang lahat ng aspeto ng buhay ng tao at pagsisikap. Ang Qur’an ay tinatalakay din ang landas upang matiyak ang walang-hanggang kaligayahan sa kabilang-buhay. Ito ang iyong mapa ng daan na ipinapakita kung paano makararating sa paraiso.
Handog ng Diyos na Patnubay: – God’s Gift of Guidance
Ang Diyos ay hindi tayo pinabayaan. Nilikha ka sa isang layunin. Ang Diyos ay sinasabi sa iyo kung bakit ka Niya nilikha, ano ang hinihingi sa iyo, at ano ang inihanda para sa iyo. Kung nagpapatakbo ka ng makinarya na salungat sa tagubilin ng gumawa nito ay sisirain mo ang makinarya. Paano ka pa kaya? Mayroon ka bang manwal ng may-ari para sa iyo? Ang Qur’an ay mula sa iyong paggana para sa tagumpay kung hindi ay hindi ka gagana. Ito ay kagamutang habag mula sa Diyos. Binubusog nito ang kaluluwa, at nililinis ang puso. Tinatanggal nito ang alinlangan at nagdadala ito ng kapayapaan.
Ang Iyong Tarheta Upang Makipag-ugnayan sa Diyos
Ang mga tao ay nilikhang palakaibigan. Gusto nating makipag-ugnayan sa ibang may buhay na mayroong isip. Ang Qur’an ay nagsasabi sa atin kung paano makipag-ugnayan sa pinagmumulan ng lahat ng karunungan at pinagmumulan ng lahat ng buhay – ang Nag-iisang Diyos. Ang Qur’an ay nagsasabi sa atin kung sino ang Diyos, at kung anong pangalan ang itatawag sa Diyos, at paraan kung paano makikipag-ugnayan sa Diyos. Hindi pa ba sapat ng pitong ito na dahilan upang basahin ang Qur’an?