Ang Nadiskobre ng Amerikanong Astronomo
Noong 1929, sa obserbatoryo ng Mount Wilson sa California, isang Amerikanong astronomo sa pangalang Edwin Hubble ay nakagawa ng isang napakalaking tuklas sa kasaysayan ng astronomiya at ang teorya ng Big Bang at paglawak ng santinakpan.. Habang pinagmamasdan niya ang mga bituin gamit ang higanteng teleskopyo, natuklasan niya na ang sinag mula sa mga ito ay nagpapalit sa pulang dulo ng espektro at ang pagpapalit na ito ay higit na nagpapahayag ng paglayo ng isang bituin mula sa daigdig.
Ang pagkatuklas na ito ay nagkaroon ng kamangha-manghang epekto sa mundo ng agham, dahil ayon sa kinilalang mga panuntunan ng pisika, ang mga ispektra ng mga naglalakbay na sinag na papalapit sa lugar ng obserbasyon ay nagkukulay lila habang ang mga ispektra ng mga naglalakbay na sinag na papalayo mula sa lugar ng obserbasyon ay nagkukulay pula. Ito ay nangangahulugan na ang mga ito ay patuloy na gumagalaw papalayo mula sa atin.
Matagal na bago pa man, si Hubble ay nagawa na ang isa pang napakahalagang tuklas: Ang mga bituin at mga galaksiya ay gumagalaw palayo hindi lamang mula sa atin, kundi, maging sila sa isat-isa. Ang tanging konklusyon na maaaring makuha mula sa santinakpan, na ang lahat ay gumagalaw palayo mula sa lahat ng mga iba pa, at, na ang santinakpan ay patuloy na ‘lumalawak’.
Para sa higit na pagkaunawa, ang santinakpan ay maaaring ihalintulad bilang ibabaw ng isang lobo na may mga tuldok na iginuhit dito at hinipan para lumobo. Kagaya ng mga tuldok sa ibabaw ng isang lobo ay gumagalaw palayo sa isat-isa habang ang lobo ay lumulubo, gayundin ang mga bagay sa kalawakan ay gumagalaw palayo sa isat-isa habang ang santinakpan ay patuloy na lumalawak.
Ang Nadiskobre ni Albert Einstein
Sa katunayan, ito ay natuklasan sa teorya nang mas maaga pa. Si Albert Einstein, na itinuturing na pinakadakilang siyentipiko ng siglo, ay pinagtibay pagkatapos ng mga kalkulasyon na ginawa niya sa teorya ng pisika na ang santinakpan ay hindi maaaring nakapirmi.
Gayunman, isinantabi niya ang kanyang tuklas para lamang hindi salungatin ang malawak na pagkilala sa nakapirming santinakpan na huwaran sa kanyang panahon. Nang lumaon, si Einstein ay kinilala ang kanyang ginawa bilang ‘ang pinakamalaking pagkakamali sa kanyang karera’. Pagkaraan, ito ay naging katiyakan sa obserbasyon ni Hubble na ang santinakpan ay lumalawak.
Anong kahalagahan, pagkatapos, ang katotohanan na mayroon ang santinakpan ay lumalawak sa pag-iral ng santinakpan? Ang paglawak ng santinakpan ay ipinapahiwatig na kung ito ay makapaglalakbay pabalik sa panahon, ang santinakpan ay mapapatunayan, na ito ay nagmula sa isang punto. Ang mga kalkulasyon ay nagpapakita na ang ‘isang punto’ na ito ay nagtipon sa lahat ng bagay ng santinakpan ay nararapat na mayroong ‘zero bolyum’ at ‘walang hanggang ang densidad’. Ang santinakpan ay lumitaw sa pamamagitan ng pagsabog ng isang punto na ito na zero bolyum. Ang malaking pagsabog na ito na tanda ng pasimula ng santinakpan na pinangalanang ‘Big Bang’ at ang teorya ay nagpasimulang tawaging ganito.
Nararapat ipahayag na ang ‘zero bolyum’ ay isang pang-teoryang pahayag na ginamit para sa layuning paglalarawan. Ang agham ay maipapaliwanag ang konsepto ng ‘kawalan’, na lagpas sa mga hangganan ng pang-unawa ng tao, sa pagpapahayag pa lang nito bilang isang punto na ‘zero bolyum’. Sa katunayan, ‘ang punto na walang bolyum’ ay nangangahulugan na ‘kawalan’. Ang santinakpan ay lumitaw mula sa kawalan. Sa madaling salita, ito ay nilikha.
Ang Big Bang na teorya sa Qur’an
Ang Big Bang na teorya ay nagpakita na sa simula ang lahat ng mga bagay sa santinakpan ay iisang piraso at pagkatapos ay nagkahiwa-hiwalay. Ang katotohanang ito, na ipinahayag ng teorya na Big Bang ay isinalaysay sa Qur’an 14 na siglo ang nakaraan, nang ang mga tao ay mayroon pa lamang kakaunting kaalaman tungkol sa santinakpan; si Allah ay nagwika:
“Hindi ba isinaalang-alang ng mga tumangging sumampalataya na ang mga langit at ang lupa ay magkasanib noon, pagkatapos ay pinaghiwalay Namin ang mga ito? Ginawa Namin mula sa tubig ang bawat bagay na buhay; kaya hindi ba sila sasampalataya? [Maluwalhating Qur’an 21:30]
Kagaya ng isinalaysay sa talata, ang lahat ng bagay, kahit pa ‘ang mga kalangitan at ang kalupaan’ ay hindi pa nalikha, ay nilikha kasama ng Big Bang mula sa iisang punto, at hinugis ang kasalukuyang santinakpan sa pamamagitan ng paghiwa-hiwalay mula sa isat-isa.
Kung ihahalintulad natin ang mga salaysay sa talata kaugnay ng teorya ng Big Bang, makikita natin na ang mga ito ay lubos na sumasang-ayon sa isat-isa. Gayunpaman, ang Big Bang ay naipakilala bilang isang makaagham na teorya nitong ika-20 siglo na lamang.
Ang paglawak ng santinakpan ay isa sa pinakamahalagang mga piraso ng katibayan na ang santinakpan ay nilikha mula sa wala. Bagaman ang katotohanang ito ay hindi natuklasan ng agham hanggang sa ika 20 siglo, si Allah ay ipinaalam na sa atin ng katotohanang ito sa Qur’an [na ipinahayag 1,400 na taon ang lumipas] na nagsasabing:
“Ang langit ay ginawa Namin sa pamamagitan ng kapangyarihan at tunay na Kami ay talagang nagpapalawak nito.” [Maluwalhating Qur’an 51:47]