Si Hesus ba ay anak ng Diyos?
Ang paniniwala ba na si Hesus [sumakanya ang kapayapaan] bilang Anak ng Diyos ay tunay na may katuwiran?
Ano ba talaga ang ibig sabihin ng Anak ng Diyos?
Maaari nga kayang ang tunay na kaligtasan na mula sa Diyos, ay ang parusa ba sa isang walang malay mula sa alinman sa mga kasalanang ito, na parurusahang para bagang siya ang maysala?
Ang Diyos ba ay nangangailangan na ang isang tao ay magdusa sa matinding parusa, kahit pa sila ay nagsisikap, araw araw.
Si Hesus ba ay nagsabi sa mga tao na ituring siya bilang isang diyos, o sambahin siya?
Ating alamin ang sagot sa mga ito at iba pang mahahalagang mga katanungan tungkol sa kalikasan ni Hesus ng Kristiyanismo at Islam.
“Tingnan sa mga Aklat”
Bilang pasimula, gumawa tayo ng halimbawa ng paghahalintulad sa mga aral ng mga Banal na Aklat ng Makapangyarihang Diyos.
Ang Qur’an ng Islam
Sabihin mo na sinabi Ko: “O mga lingkod ko na nagmalabis laban sa mga sarili nila, huwag kayong mawalan ng pag-asa sa awa ni Allah; tunay na si Allah ay nagpapatawad sa lahat ng pagkakasala. Tunay na Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain.” [Maluwalhating Qur’an 39:53]”
At ang sinumang gumagawa ng kasamaan o lumabag sa katarungan sa kanyang sarili at pagkatapos ay hihingi siya ng kapatawaran kay Allah, matatagpuan niya na si Allah ay Mapagpatawad, Maawain. [Maluwalhating Qur’an 4:110]
“O mga tao, sambahin ninyo ang Panginoon ninyo na lumikha sa inyo at silang mga nauna sa inyo nang harinawa kayo ay mangatuwid.” [Maluwalhating Qur’an 2:21]
Hindi ka makatatagpo ng mga taong sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw na mamahalin ang mga sumasalansang kay Allah at sa Sugo Niya, kahit pa man ang mga ito ay mga magulang nila o mga anak nila o mga kapatid nila o angkan nila. Ang mga iyon ay inukitan Niya sa mga puso nila ng pananampalataya at pinalakas Niya sila sa papamamagitan ng isang pag-alalay mula sa Kanya. Papapasukin Niya sila sa mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog upang magsisipanatili sa mga ito. Nalugod si Allah sa kanila at nalugod sila sa Kanya. Ang mga iyon ay ang kapisanan ni Allah. Talagang tunay na ang kapisanan ni Allah ay ang mga matagumpay. [Maluwalhating Qur’an 58:22]
Ang Bagong Tipan ng Biblia
“Bakit mo ako tinawag na mabuti? Sagot ni Hesus, Walang mabuti kundi isa lamang, ang Diyos.” [Marcos 10:18]
“Huwag ninyong isipin ako’y naparito upang sirain ang mga kautusan o ang mga propeta: ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin. Sapagka’t katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang tuldok o ang isang kudlit, sa anumang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay. Kaya’t sinumang sumuway sa isa sa kailitliitang mga utos na ito, at ituro ang gayon sa mga tao, ay tatawaging kaliitliitang sa kaharian ng langit: datapwa’t sinumang gumanap at ituro, ito’y tatawaging dakila sa kaharian ng langit. [Mateo 5:17-19]
“Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang gumaganap sa kalooban ng Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonyo, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala, magsilayas kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasan.’” [Mateo 7:21-23]
Ang ilang mga namumuno ay nag-angkin, na ito ay maaaring tumutukoy sa mga Mormons o ibang tao. Huwag mag-alala ukol dito.
“At sumagot ang anghel, at sinabi sa kaniya. At bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipinanganak ay tatawaging ‘Anak ng Diyos’.” [Lucas 1:35]
“Si Enos na anak ni Seth, at si Seth na anak ni Adam, at si Adam na anak ng Diyos.” [Lucas 3:38]
Paalala: si Adan, hindi si Hesus, ang nakatala sa talaangkanan ni Hesus bilang anak ng Diyos, hindi si Hesus.
Kinalaunan, ang mga pari ay nagtatanong kay Hesus [sumakanya ang kapayapaan] kung kanya bang inaari na siya’y anak ng Diyos. Sinabi niya sa kanila na sa katunayan, sila lamang ang gumagawa sa pag-angking ito.
“Inyong sinabi na ako nga.”
Ang Ebanghelyo ni Juan ay naglalaman ng pinakamaraming bilang ng mga sanggunian sa anak ng Diyos
Si Hesus, nagsasalita sa ikatlong pantao ay nagwika tungkol sa Anak ng Diyos sa [Juan 3:17 – Juan 5:24 – Juan 11:4 – Juan 11:27]
Si Martha, isa sa mga tagasunod, ay tinawag si Hesus, sumakanya ang kapayapaan, bilang, Ang Mesias, ang Anak ng Diyos
“Ang Cristo, ang anak ng Diyos.” [Juan 20:31]
Subalit walang talata na nagsasabi ng eksaktong pangungusap “Si Hesus ay Anak ng Diyos at dahil dyan siya ay banal o Diyos.”
Ang Qur’an
“O Angkan ng Kasulatan! Huwag kayong magmalabis sa relihiyon ninyo at huwag kayong magsabi tungkol kay Allah kundi ang totoo. Ang Mesias na si Hesus na anak ni Maria ay sugo lamang ni Allah at salita Niya na inilagak Niya kay Maria, at isang espiritu na mula sa Kanya. Kaya sumampalataya kayo kay Allah at sa mga sugo Niya. Huwag ninyong sabihing Tatlo. Magsitigil kayo; mainam iyan para sa inyo. Si Allah ay nag-iisang Diyos lamang. Napakamaluwalhati Niya upang magkaroon Siya ng isang anak. Kanya [pag-aari] ang anumang nasa mga kalangitan at ang anumang nasa kalupaan. Nakasapat na si Allah bilang Pinananaligan. [Maluwalhating Qur’an 4:171]
Mapupuna sa Biblia, ang madalas na ugnayan sa pagitan ng katayuan ni Hesus [sumakanya ang kapayapaan] bilang Mesias at pagka-anak.
Ang katagang ‘ anak ng diyos ’, ay hindi maaari, sa sarili nito, na maging sapat para magsabi ng anumang katangi-tangi tungkol kay Hesus [sumakanya ang kapayapaan] dahil ang katagang ito ay ginamit para sa maraming mga tao sa buong Luma at Bagong Tipan.
Tingnan sa itaas:
[Lucas 3:38]Ganundin sa,
[Isaias 63:8]
ay tumutukoy sa buong tahanan ni Israel bilang, mga Anak ng Diyos.
Si Pablo ay nagsabi sa atin tungkol sa kanilang ginabayan ng espiritu:
“Sapagka’t ang lahat ng mga pinatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay sila ang mga anak ng Diyos.” [Mga taga Roma 8:14]
Ang katagang “Mesias” ay ang mas tila nababagay para katawanin ang katayuan ng taong hinulaang lilitaw at pamumunuan ang mga tao patungo sa tagumpay sa ibabaw ng mundong ito.
Ang ‘Oxford Companion of the Bible’ ay nagsasabi na ang mga Hudyo, bago ang pagsilang kay Hesus, ay umasa para sa isang hinulaang pinuno, na maghaharing may walang hanggang katarungan, kapayapaan, at kaligtasan para sa mga ‘Anak ni Israel.’
Biblia
“At may lalabas na usbong sa puno Isai at isang sanga mula sa kanyang mga ugat ay magbubunga. At ang Espiritu ng Panginoon ay nasa kaniya, ang diwa ng karunungan at kaunawaan, ang diwa ng payo at ng katibayan, ang diwa ng kaalaman at ng takot sa Panginoon.” [Isaias 11:1-2]
“Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aking isasagawa ang mabuting salita na aking sinalita tungkol sa sangbahayan ni Israel, at tungkol sa sangbahayan ni Juda. Sa mga araw na yaon at sa mga panahong yaon, aking pasusuplingin kay David ang isang Sanga ng katuwiran: at siya’y magsasagawa ng kahatulan at katuwiran sa lupain. Sa mga araw na yaon ay maliligtas ang Juda, at ang Jerusalem ay tatahang tiwasay at ito ang pangalan na itatawag sa kaniya: Ang Panginoon ay ating katuwiran. Sapagka’t ganito ang sabi ng Panginoon. Si David ay hindi kukulangin kailan man ng lalake na mauupo sa luklukan ng bahay ng Israel. Ni hindi kukulangin “ang mga seserdote na mga Levita ng lalake sa harap ko na maghahandog na susunugin, at upang magsunog ng mga alay, at upang maghaing palagi. [Jeremiah 33:14-18]
“At ang aking lingkod na si David ay magiging hari sa kanila; at silang lahat ay magkakaroon ng isang pastor; magsisilakad din naman sila ng ayon sa aking mga kahatulan, at susundin ang aking mga palatuntunan, at isasagawa. At sila’y magsisitahan sa lupain na aking ibinigay kay Jacob na aking lingkod, na tinahanan ng inyong mga magulang; at sila’y magsisitahan doon, sila at ang kanilang mga anak, at ang mga anak ng kanilang mga anak, magpakailan man: at si David na aking lingkod ay magiging kanilang prinsipe magpakailan man. Bukod dito’y makikipagtipan ako ng tipan ng kapayapaan sa kanila; magiging tipan na walang hanggan sa kanila; at aking ilalagay sila, at pararamihin sila at itatatag ko ang aking santuario sa gitna nila magpakailan man. Ang aking tabernakulo naman ay mapapasa gitna nila; at ako’y magiging kanilang Dios, at sila’y magiging aking bayan. At malalaman ng mga bansa na ako ang Panginoon na nagpapabanal sa Israel, pagka ang aking santuario ay mapapasa gitna nila magpakailan man.” [Ezekiel 37:24-28]
“Ang setro ay hindi mahihiwalay sa Juda, ni ang tungkod ng pagkapuno sa pagitan ng kaniyang mga paa, hanggang sa ang Shiloh ay dumating; at sa kaniya tatalima ang mga bansa.” [Genesis 49:10]
“Aking makikita siya, nguni’t hindi ngayon; Aking mapagmamasdan siya, nguni’t hindi sa malapit: Lalabas ang isang bituin sa Jacob, at may isang setro na lilitaw sa Israel, at sasaktan ang mga sulok ng Moab, at lilipulin ang lahat ng mga anak ng kaguluhan. At ang Edom ay magiging pag-aari niya. Ang Seir man ay magiging pag-aari niya, na siyang dating kaniyang mga kaaway; Samantalang ang Israel ay magpapakatapang. At mula sa Jacob ay magkakaroon ng isang may kapangyarihan, at gigibain niya sa bayan ang nalalabi. [Mga Bilang 24:17-19]
Diyos na Nagkatawang-tao? wala dito
Biblia
Si Nathan ang propeta [anak ni Solomon] ay nagsabi:
“Ang Panginoon ay nagtakda sa iyo na ang Panginoon mismo ay magtatayo ng bahay para sa iyo: Sa mga araw mong lilipas at ikaw ay mananahan sa iyong mga ama, itatayo Ko ang iyong mga supling para sumunod sa iyo, na silang manggagaling sa sarili mong katawan, at itatatag ko ang kanyang kaharian. Siya ang siyang magtatayo ng bahay sa iyong ngalan, at ako ay magtatatag ng trono ng kanyang kaharian magpasawalang hanggan. Ako ang magiging ama at siya ang aking magiging anak.
[Aklat ng Hebreo sa Bagong Tipan ay tumigil na dito] Sa Samuel ay nagpatuloy:“Ako’y magiging kaniyang ama, at siya’y magiging aking anak: kung siya’y gumawa ng kasamaan, aking sasawayin siya ng pamalo ng mga tao, at ng panghampas ng mga anak ng mga tao; Nguni’t ang aking kagandahang loob ay hindi mahihiwalay sa kaniya na gaya nang aking pagkaalis niyan kay Saul, na aking inalis sa harap mo. [2 Samuel 7:12-15]
“Ikaw ay aking Anak, Ikaw ay aking ipinanganak ngayon.” [Hebreo 1:5]
Ito ba ay nagpapatibay sa kaso ng doktrina na si Hesus [sumakanya ang kapayapaan] ay ang “bugtong na Anak ng Diyos?”
Lumang Tipang Biblia
Si David ay naglalahad sa kung ano ang ipinahayag tungkol sa relasyon ni David sa Diyos
“Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay aking anak; sa araw na ito ay ipinanganak kita. [Salmo 2:7]
Paalala: Ang New International Version ay nagsasabi na ang talata ay maaaring naisalin alinman sa “naging iyong Ama” o bilang “ipinanganak ka” sa Ingles o Griyego.
Bagong Tipan Biblia
“Siya ay tatawaging ang Anak ng Dios.
Paalala: Hindi ito nagpapahayag na siya “ay” ang anak, bagkus dataptawa’t, siya ay “tatawaging” ang anak ng Diyos.
O siya ba ang “isang naitinalaga para ipangaral ang Mabuting Balita sa mga mahihirap.” na propesiya ni Isaias, at ang Mesias na ipinahayag ni Gabriel, ang tagasunod ni Hesus [sumakanya ang kapayapaan] si Hesus, mismo at ang natira ng Bagong Tipan, siya ay maliwanag na hindi magiging Diyos.
Bagong Tipan Biblia
“Sinabi sa kanila ni Hesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bago ipinanganak si Abraham, ay ako nga” [Juan 8:58]
“Ako nga” ay ang katagang ginamit para tukuyin ang Diyos kay Moises (sumakanya ang kapayapaan)
Bagong Tipan Biblia
“Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” [Juan 3:16]
Ito sa katotohanan ay hindi naglalarawan kay Hesus [sumakanya ang kapayapaan], bilang Dios, o bilang Mesias, o bilang Propeta.
Paalala: Ang talata na ito ang totoo ay binago ni Jerome noong ika-4 na siglo.
Si ARIUS [Maagang kasaysayan ng Simbahan] isang tanyag na pinuno mula sa Alexandria, sa Ehipto. Siya ay nangatuwiran, si Hesus [sumakanya ang kapayapaan] ay nilikha at hindi ipinanganak. Siya ay isinakdal sa salang pamumusong at ang kanyang mga tagasunod ay kakila-kilabot na inapi ng simbahan.
Pagkatapos na mapagpasyahan ang mga bagay at mapagtibay ng ‘Council of Nicaea’ noong 325 A.D. at sa pagsisikap na pag-isahin ang lahat ng paniniwala, si Jerome ay pinalitan ang orihinal na bersyon ng Ebanghelyo ni Juan 3:16 sa pamamagitan ng pagpapalit ng katagang monohenes [natatangi] at pinalitan ng katagang inheniyoso na nangangahulugang tanging ipinanganak.
Ano pa ang ibang pagpapakahulugan na ginawa ng unang mga Pari ng Simbahan na inimbento para masiyahan sa kanilang mga pag-aangkin ng kabanalan ni Hesus [sumakanya ang kapayapaan]?
Magandang tanong.
Bagong Tipan Biblia
“Datapwa’t kung ginagawa ko, ang mga yaon kahit hindi kayo magsisampalaya sa akin, ay magsisampalataya kayo sa mga gawa; upang malaman ninyo at mapagunawa na ang Ama ay nasa akin, at ako’y nasa Ama.” [Juan 10:38]
“Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin, at ako’y nasa Ama.” [Juan 14:10]
Subalit sa pagpapalawig pa ng pagbabasa sa parehong kabanata:
“Sa araw na yao’y makikilala ninyong ako’y nasa aking Ama, at kayo’y nasa akin, at ako’y nasa inyo.” [Juan 14:20]
Kaya paano siya namuhay sa kanyang mga disipulo at paano sila namuhay sa kanya? At kung magkaganun, sila rin ba, ay mga anak ng Diyos o mga Diyos?
Isa pang magandang tanong.
“Datapwa’t ang sinumang tumutupad ng kaniyang salita, tunay na sa kaniya ay naging sakdal ang pag-ibig ng Diyos. Dahil dito’y nalalaman nating tayo’y nasa kaniya: Ang nagsasabing siya’y nananahan sa kaniya ay nararapat din namang lumakad na gaya ng inilakad niya.” [unang Juan 2:5-6] [Ito ay liham sa taga Efeso na isinulat ng ibang Juan, hindi ang Juan ang Ebanghelyo hindi rin ang Juan Bautista]
Paalala: Ito ay nagpapahiwatig, ng pananahan sa Diyos ay nangangahulugang, Pagsunod sa mga utos ng Diyos at pagtahak sa Daan ni Hesus [sumakanya ang kapayapaan].
Dalawang ulit sa Bagong Tipan, si Hesus [sumakanya ang kapayapaan] ay sinabihan ang kanyang mga tagasunod kung paano magdasal sa pagsasabing, “Kung kayo ay mananalangin, ay inyong sabihin…”
At ang mga salita ay napakalinaw, sundin ang kalooban ng Diyos sa lupa tulad ng nasa Langit.
Biblia
“At ang kaluwalhatiang sa aki’y ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; upang sila’y maging isa, na gaya naman natin na iisa; Ako’y sa kanila, at ikaw ay sa akin, upang sila’y malubos sa pagkakaisa; upang makilala ng sanglibutan na ikaw ang sa akin ay nagsugo, at sila’y iyong iniibig, na gaya ko na iniibig mo. [Juan 17:22-23]
Ang katagang ginamit sa buong kabanata 10 at 17, para sa kaisahan o iisa ay magkatulad, siya ay, na nangangahulugang bilang isa. May iba pang kataga, hen, na kahulugan ay kaisahan sa kakanyahan. Gayunpaman, ang katagang “hen” ay hindi matatagpuan sa mga kabanatang ito.
Paalala: Ang konklusyon na ito ay dasal mula kay Hesus [sumakanya ang kapayapaan] para sa Diyos na lahat ng kanyang tagasunod ay magkaroon ng katulad na relasyon na tinaglay ni Hesus.
Ang pag-unawa sa katagang ‘isa’ ay nagngangahulugan ng pagkaunawa sa pamamaraan na ito ay ginamit. Halimbawa, ang isang lalaki at babae ay nagiging isa kapag sila ay kinasal; maaaring may magsabi na ‘ang Isa ay umaasa sa tagumpay’ o kaya ‘tayo ay isa sa pagkakasundo.
Si Hesus [sumakanya ang kapayapaan] ay ipinalagay na nagsabi,
“Kung nakita mo na ako, ay nakita mo na ang Ama.”
Sa pinakabahagi ng Biblia ay matatagpuan natin ang talata na kung saan si Hesus [sumakanya ang kapayapaan] ay nagsasabi sa kanyang mga tagasunod, na kung tinanggap nila ang batang paslit, magkagayun ay tinanggap din nila si Hesus [sumakanya ang kapayapaan]. Likas, na hindi niya ibig sabihing ang bata ay Diyos o na siya ay isang bata.
Ang mga Kristiyano ay tinuruan ng maaga sa buhay, sa paggawa ng mga mabubuting gawa at paglilingkod sa iba, sila sa katotohanan ay ipinakikita sa ibang si Hesus ay nasa kanilang mga sarili.
Bakit tayo mahigpit na humahawak sa mga doktrina, kahit pa pagkatapos na mapagtanto ang kamalian at huwad na mga aral?
Pagkatapos isa pang magandang tanong
Ang Biblia ay maliwanag na nagtuturong si Hesus [sumakanya ang kapayapaan] ay isang tao, isinilang ng isang babae na walang ama, pinalakas ng Espiritu mula sa Diyos [Gabriel], ipinadala ng Diyos para turuan ang Angkan ni Israel sa tunay na kahulugan ng pananampalataya at tamang mga pagkilos [pagsunod sa mga utos] na tatanggapin ng Diyos mula sa kanila at katulad nito, ang kanilang landas tungo sa kaligtasan.
Isa pang pagkakataon:
Biblia
“Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Diyos, at ang Verbo ay Diyos.“ [Juan 1:1]
Si Hesus [sumakanya ang kapayapaan] ay ang pinaka “Salita ng Diyos”.
Qur’an
“O mga May Aklat, huwag kayong magpalabis sa relihiyon ninyo at huwag kayong magsabi tungkol kay Allah kundi ang totoo. Ang Mesias na si Jesus na anak ni Maria ay sugo ni Allah lamang at salita Niya na inilagak Niya kay Maria, at isang espiritu na mula sa Kanya. Kaya sumampalataya kayo kay Allah at sa mga sugo Niya. Huwag ninyong sabihing Tatlo. Magsitigil kayo; mainam iyan para sa inyo. Si Allah ay nag-iisang Diyos lamang. Napakamaluwalhati Niya upang magkaroon Siya ng isang anak. Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Nakasapat na si Allah bilang Pinananaligan,“ [Maluwalhating Quran 4:171]
Ito ay mahirap para sa atin na tanggaping tayo ay nadaya sa mahabang panahon ng ilang mga tao, ang ilan pa sa kanila ay napakamalapit at napakamamahal sa atin. Ang katotohanan ay, ‘May mga taong nagsisinungaling sa atin’, ng sinasadya.
Ito rin ay mahirap na isaalang-alang ang mga dulot ng pagkawala ng pananampalataya sa doktrina ng Simbahan, mula sa takot na pagkawala din ng pananampalataya sa Diyos sa pangkalahatan.
Subalit mayroon ditong na napakagandang pag-asa, Biyaya, Habag at Kaligtasan para sa kanila na dumating sa tamang pananampalataya at sundin ang mga utos.
Karunungan o Salita?
Ang Oxford na Kaagapay sa Biblia
Ang mga katagang, ‘karunungan’ at ‘salita’ ay magkasingkahulugan [eksaktong magkatulad na mga kataga] sa kaisipang Hudyo sa panahon ni Hesus.
Lumang Tipan Biblia
“Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad, bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una. Ako’y nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula, bago nalikha ang lupa. Ako’y nailabas ng wala pang mga kalaliman; nang wala pang mga bukal na sagana ng tubig. Bago ang mga bundok ay nalagay, bago ang mga burol ay ako’y nailabas: Samantalang hindi pa niya nililikha ang lupa, ni ang mga parang man, ni ang pasimula man ng alabok ng sanglibutan. Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako: nang siya’y maglagay ng balantok sa balat ng kalaliman: Nang kaniyang pagtibayin ang langit sa itaas: nang maging matibay ang mga bukal ng kalaliman: Nang bigyan niya ang dagat ng kaniyang hangganan, upang huwag salangsangin ng tubig ang kaniyang utos: nang kaniyang iayos ang mga patibayan ng lupa: Nasa siping nga niya ako na gaya ng matalinong manggagawa: at ako ang kaniyang ligaya sa araw-araw, na nagagalak na lagi sa harap niya; “ [Mga Kawikaan 8:22-30]
“Nilikha ng Panginoon ang lupa sa pamamagitan ng karunungan; itinatag niya ang langit sa pamamagitan ng kaunawaan.“ [Mga Kawikaan 3:19]
Apokripa [nakatagong mga aklat ng Biblia]
Karunungan I at Karunungan II
Ang Sirach [kilala rin bilang Ikliyastikos] na isinulat ni Jesus ben Sira, isang debotong Hudyo sa Jerusalem, na nabuhay 200 na taon bago si Christo.
Ang mga tekstong ito ay bahagi ng Biblia hanggang sa panahon ng mga Kalbanisto at ang Repormasyong Protestante [mula sa salitang – protesta]
Ang mga kalatas na natagpuan sa Wadi Qumran at Masada ay nagpapatunay na ang mga ito ay palaging bahagi na ng sinaunang bersyon ng Biblia, ngunit kapuna-punang hindi bagay na hinangad ng mga protestante para gamitin ito.
Ang Karunungan ay nagwika:
“Ang karunungan ay nagpupuri sa kanyang sarili, at nagsasabi ng kanyang kaluwalhatian sa gitna ng kanyang mga tao. Sa kapulungan ng Kataas-taasan ay binubuksan niya ang kaniyang bibig, at sa harapan ng kaniyang mga hukbo ay sinasabi niya ang kaniyang kaluwalhatian: Ako’y lumabas mula sa bibig ng Kataastaasan, at tinakpan ang lupa na parang alabok. Ako’y naninirahan sa pinakamataas na kalangitan, at ang aking trono ay nasa isang haliging ulap. Nag-iisa ako sa pagkulong sa kalangitan ng langit at tinawid ang kalaliman ng kalaliman. Sa paglipas ng mga alon ng dagat, sa buong lupa, at sa bawat tao at bansa ako ay gumagalaw. Sa lahat ng ito ay hiniling ko ang isang pahingahang lugar; Sa kaninong teritoryo ang dapat kong manatili? Pagkatapos ay ang Tagapaglikha ng lahat ng bagay ay nagbigay sa akin ng isang utos, at pinili ng aking Lumikha ang lugar para sa aking tolda. Sinabi niya, Gumawa ng iyong tirahan kay Jacob, at sa Israel, tanggapin mo ang mana mo. Bago ang mga kapanahunan, sa simula ay nilalang niya ako, at sa lahat ng edad ay hindi ako titigil. Sa banal na tolda ay naglingkod ako sa harap niya, at sa gayon ay itinatag ako sa Sion. Kaya’t sa bayan na minamahal ay binigyan niya ako ng isang pahingahang dako, at sa Jerusalem ay ang aking lupain. Nag-ugat ako sa isang pinarangalan, sa bahagi ng Panginoon ang kanyang pamana.“ [Sirach 24:1-12]
“Sapagkat siya ay isang hininga ng kapangyarihan ng Diyos, at isang dalisay na pagpapalabas ng kaluwalhatian ng Makapangyarihan sa lahat; Kaya walang kasamaan ang makakapasok sa kanya. Sapagkat siya ay isang pagmuni-muni ng walang hanggang liwanag, isang walang bahid na salamin ng paggawa ng Diyos, at isang larawan ng Kanyang kabutihan. Kahit na siya ay isa lamang, maaari niyang gawin ang lahat ng bagay, at habang nananatili sa kanyang sarili, binabago niya ang lahat ng bagay; Sa bawat henerasyon ay nagpapasa siya sa mga banal na kaluluwa at ginagawa silang mga kaibigan ng Diyos, at mga propeta. “ [Karunungan ni Solomon 7:25-27]
Ang pasimula ba ng Ebanghelyo ni Juan ay nagpapahiwatig na si Juan ay naniniwala na ang Espiritu ay isinugo ng Diyos kay Hesus [ang kapayapaan ay sa kanya] na ang Espiritu ng Karunungan, Espiritu ng Propesiya, na ipinadala sa lahat ng mga propeta, na may parehong mga utos at karunungan?
Maaari bang ang Espiritu ng Karunungan ay kasama na ng Diyos mula pa noong paglikha? O marahil ang Espiritu ay ang “Salita ng Diyos” na binigkas o ihinihinga ng Diyos sa Simula at pagkatapos ay nagpatuloy kasama ng Diyos sa natitirang Paglikha?
Apokripa sa Biblia
“Para sa karunungan, ang Tagapaghubog ng lahat ng bagay, ay tinuruan ako“ [Karunungan ni Solomon 7:22]
Maaari ba ang Espiritu ng Karunungan ay siyang Banal na Espiritu na nangusap kay Maria tungkol sa pagkakaroon niya ng sanggol? At ang parehong Banal na Espiritu na bumababa sa kanya sa pagbibinyag na ito?
Biblia
“At nagpatotoo si Juan, na nagsasabi, Nakita ko ang Espiritu na bumababang tulad sa isang kalapati na buhat sa langit; at dumapo sa kaniya. At siya’y hindi ko nakilala; datapuwa’t ang nagsugo sa akin upang bumautismo sa tubig, ay siyang nagsabi sa akin, Ang makita mong babaan ng Espiritu, at manahan sa kaniya, ay siya nga ang bumabautismo sa Espiritu Santo. “ [John 1:32-33] Ang lahat ng ito ay nagpapatunay nang walang alinlangan na ang mga manunulat ng Lumang Tipan at ang Bagong Tipan ay tiyak na nagbabantay para sa isang Mesias o piniling pinuno ng daan patungo sa kaligtasan sa buhay na ito at sa susunod na buhay.
Ang salita sa Hebreo para sa isang pinili o isang pinahiran o isang inatasan ay Mesias.
Ang salita sa Konekong Griyego para sa Messiah ay Christos [naging Kristo].
Ang salita sa Arabik para dito ay Massih
Si Hesus ba [sumakanya ang kapayapaan], ay humiling sa mga tao na manalangin sa kanya, o manalangin kasama niya, sa Diyos na nagsugo sa kanya?
Si Hesus ba [sumasakanya ang kapayapaan] ay nag-aangking Diyos?
Maaari bang ang katagang “anak ng Diyos” sa wikang Ingles ay tunay na ipinakikilala ang kahulugang nilalayon ng mga manunulat ng Bibliya?
Ngayon, ihambing natin ng may awa at karunungan sa ating mga puso. Alin sa dalawang konsepto ang pinakamakatuwiran sa pagitan ng Islam at Kristiyanismo pagdating sa paksang si Hesus [sumakanya ang kapayapaan]?
Ihambing natin ang dalawa at tingnan kung ano ang sinasabi sa atin ng ating karunungan at sintido kumon:
Ayon sa mga aral ng Islam sa Quran at sa mga salita ng huling propeta, si Muhammad [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya] si Hesus, ang anak ni Maria, ay hinulaang, siya ay darating sa lupa bilang isang sanggol na may isang ina ngunit walang ama, siya ay gagawa ng kamangha-manghang mga himala sa pamamagitan ng pahintulot ni Allah, kabilang ang pagbibigay ng buhay sa isang namatay na tao; Ipinakita niya sa kanyang mga tagasunod ang pinakamahusay na pag-uugali at pagsunod sa mga utos ng Diyos. At ayon sa Biblia ay personal siyang nanalangin at humiling sa Diyos na Makapangyarihan sa lahat na iligtas siya mula sa kapalaran na mapahirapan sa krus.
Ipinakikita ng Biblia na ang mga panalangin ni Hesus sa Gethsemane ay hindi tinugon, kahit na nanatili siya ng buong gabing umiiyak at humihiling sa Diyos, “Iligtas ako sa saro ng paghihirap na ito, subalit ang iyong kalooban ang mangyari, hindi ang sa akin.”
Gayunman, ayon sa Quran, tinugon ng Makapangyarihang Diyos ang kanyang mga panalangin. Hindi siya napunta sa krus, ngunit sa halip ang pagkakahawig niya ay inilagay sa ibang tao na siyang pumaroon sa krus at ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat, ay niloob na si Hesus [sumakanya ang kapayapaan] para maligtas, ay pinangalagaan at siya ay kasama ng Diyos at babalik sa mga Huling Araw upang pamunuan ang mga tunay na mananampalataya sa pagtatagumpay laban sa mga masasama.
Ipinalagay pa nga ng ilan na ang taong napasa krus ay ang mismong (Hudas Tomas Iskaryote) nagbenta kay Hesus at sa kanyang mga tagasunod para sa tatlumpung piraso ng pilak.