Paano ang Islam tatawaging relihiyon ng kapayapaan kung ito ay kumalat sa pamamagitan ng Lakas o Espada, totoo nga ba ito?
Sagot:
Pangkaraniwang himutok ng ilang mga di-Muslim na ang Islam ay hindi magkakaroon ng milyong tagasunod sa buong mundo, kung hindi ito ipinakalat sa pamamagitan ng paggamit ng lakas. Ang mga susunod na punto ang maglilinaw dito, na malayong ipinakalat sa pamamagitan ng espada, ito ay likas na lakas ng katotohanan, katuwiran, lohika ang siyang dahilan ng mabilis na pagkalat ng Islam.
1. Ang Islam ay nangangahulugan ng kapayapaan
Ang Islam ay galing sa salitang ugat na ‘salaam’, na nangangahulugang kapayapaan. Ito rin ay nangangahulugang pagsuko ng sariling nais kay Allah. Kaya ang Islam ay relihiyon ng kapayapaan, na nakakamit sa pamamagitang ng pagsuko ng sariling kagustuhan sa kagustuhan ng Kataas-taasang Tagapaglikha, si Allah.
2. Minsan ang lakas ay kailangan gamitin upang mapanatili ang kapayapaan
Ang bawat isang nilikhang tao sa mundong ito ay hindi lahat panig sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagkakaisa. Marami dito na guguluhin ito para sa kanilang pansariling pakinabang. Minsan ang lakas ay kailangang gamitin para mapanatili ang kapayapaan. Ito ang eksaktong dahilan kung bakit mayroon tayong kapulisan na gumagamit ng lakas laban sa mga kriminal at mga kaaway ng lipunan upang panatilihin ang kaayusan sa bansa. Ang Islam ay nagtataguyod ng kapayapaan. At ganundin, ang Islam ay nagpapayo sa mga tagasunod nito na lumaban kung mayroong pang-aapi. Ang paglaban sa pang-aapi, ay may panahon na nangangailangan ng lakas. Sa Islam ang lakas ay maaari lamang gamitin kung magtataguyod ng kapayapaan at katarungan.
3. Ang opinyon ng mananalaysay na si De Lacy O’Leary
Ang pinakamainam na pagsagot sa maling pagkaunawa na ang Islam ay ipinakalat sa pamamagitan ng espada ay ibinigay ng kilalang mananalaysay na si De Lacy O’Leary sa aklat na (Islam at the cross road) pahina 8:
“Bagaman ang kasaysayan ay ginawa itong malinaw, na ang alamat ng panatikong mga Muslim na sinuyod ang mundo at ipinilit ang Islam sa pamamagitan ng espada sa mga nasakop na mga lahi ay isa sa napakalayo sa katotohanan na kathang-isip na inulit-ulit ng mga mananalaysay.”
4. Ang mga Muslim ay namuno sa Espanya sa mahigit na 800 taon
Ang mga Muslim ay namuno sa Espanya sa mahigit na 800 taon. Ang mga Muslim sa Espanya ay hindi kailanman gumamit ng espada para pilitin ang mga tao para mag-Muslim. Kalaunan ay dumating ang mga Krusada ng Kristiyano at nilipol ang mga Muslim. Walang isa mang Muslim sa Espanya na makapagtawag ng adhan ng hayagan, ito ang tawag ng pagdarasal.
5. 14 na milyong Arabo ay mga Kristiyanong Koptik
Ang mga Muslim ang panginoon ng Arabya sa mahigit na 1400 taon. Sa ilang mga taon ang Britanya ay namuno, at sa ilang mga taon ang Pranse ay namuno. Sa kabuuan, ang mga Muslim ay namuno sa Arabya sa mahigit na 1400 taon. Subalit ngayon, mayroong 1400 na milyong Arabo na mga Kristiyanong Koptik e.g. Kristiyano simula pa ng henerasyon. Kung ang mga Muslim ay gumamit ng espada ay wala sanang kahit isang Arabo na mananatiling Kristiyano.
6. Mahigit na 80% ay di-Muslim sa India
Ang mga Muslim ay namuno sa India ng mahigit sa libong taon. Kung kanilang nais, sila ay may kakayahang gawing Muslim ang lahat ng di-Muslim sa India. Ngayon ay mahigit na 80% ng papulasyon sa India ay di-Muslim. Ang lahat ng di-Muslim na Indiano ay tumatayong katibayan ngayon na ang Islam ay hindi ipinakalat sa pamamagitan ng espada.
7. Sa Indonesia at Malaysia
Ang Indonesia ang bansa na may pinakamaraming bilang ng Muslim sa buong mundo. Ang mayorya ng mga tao sa Malaysia ay Muslim. Maaaring itanong ng isang tao: “Aling sandatahang Muslim ang pumunta sa Indonesia at Malaysia?”
8. Silangang Baybayin ng Afrika
At katulad, ang Islam ay kumalat ng mabilis sa Silangang Baybayin ng Afrika. Maaaring itanong muli ng isang tao: “Aling sandatahang Muslim ang pumunta sa Silangang Baybayin ng Afrika?”
9. Thomas Carlyle
Ang tanyag na mananalaysay, si Thomas Carlyle, sa kanyang aklat na “Heroes and Hero worship”, patungkol sa maling pagkaunawa na ito tungkol sa pagkalat ng Islam: “Ang espada sa katunayan, subalit saan mo kukunin ang iyong espada? Ang bawat bagong opinyon, sa simula ito ay katiyakang menorya ng iisa. Sa ulo ng isang tao lamang. Doon ito namamalagi ngunit pansamantala. Isang tao lamang ng buong mundo ang naniniwala dito, isang tao laban sa lahat ng mga tao. Na kumuha siya ng espada at sinubukang mangaral na dala ito, ay maliit ang magagawa nito sa kanya. Dapat kang kumuha ng espada mo! Sa kabuuan, ang bagay ay mangangaral ayon sa kanyang sariling kakayanan.”
10. Walang sapilitan sa relihiyon
Sa aling espada ang Islam ay lumaganap? Kahit pa ang mga Muslim ay meron nito ay hindi nila ito magagamit para palaganapin ang Islam dahil ang Qur’an ay nagsalaysay sa mga sumusunod na talata:
“Walang sapilitan sa relihiyon; Ang katotohanan ay maliwanag mula sa kamalian…” [Maluwalhating Qur’an 2:256]
11. Espada ng Karunungan
Ito ay espada ng karunungan. Ang espada na sumasakop ng mga puso at mga isip ng mga tao. Ang Qur’an ay nagsalaysay sa Surah Nahl, kabanata 16 talata 125:
“Mag-anyaya sa landas ng iyong Panginoon ng may karunungan at mabuting pangangaral; at makipagtalastasan sa kanila sa paraang pinakamainam.” [Maluwalhating Qur’an 16:125]
12. Pagdami ng mga relihiyon sa mundo mula 1934 hanggang 1984
Ang artikulo sa Reader’s Digest ‘Almanac’, aklat ng taong 1986, ay nagbigay ng estadistika ng paglaki ng porsiyento ng mga malalaking relihiyon ng mundo sa kalagitnaan ng siglo mula 1934 hanggang 1984. Ang artikulong ito ay lumabas din sa ‘The Plain Truth’ magasin. Sa pinakataas ay ang Islam, na dumami ng 235%, at Kristiyanismo ay dumami ng 47% lamang. Maaaring itanong ng isang tao: “aling digmaan ang nangyari sa siglong ito na naging dahilang ng paglipat ng milyong mga tao sa Islam?”
13. Ang Islam ang pinakamabilis na lumagong relihiyon sa Amerika at Europa
Ngayon ang pinakamabilis na lumagong relihiyon sa Amerika ay Islam. Ang pinakamabilis lumagong relihiyon sa Europa ay Islam. Aling espada ang pumilit sa mga tao sa Kanluran para tanggapin ang Islam sa napakalaking bilang na yaon?
14. Dr. Joseph Adam Pearson
Dr. Joseph Adam Pearson ay nagsalaysay na tama: “Ang mga tao na nag-aalala na ang armas na nukleyar isang araw ay babagsak sa kamay ng mga Arabo, sila ay nabigong unawain na ang Islamikong bomba ay ibinagsak na, ito ay inihulog sa araw na si Muhammad (sumakanya ang kapayapaan) ay isinilang.”